• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG UK VARIANT NG COVID-19 VIRUS NAKAPASOK NA SA MM

NAKAPASOK na sa bansa ang UK variant ng COVID19 na mas mabagsik at mas mabilis na kumalat. Ito ang inanunsyo ni DOH Secretary Francisco Duque Miyerkules ng gabi. Isang 29 na anyos na lalaki na mula Dubai ang naging positibo ng B117 virus. Mula umano sa Kamuning QC ang naturang lalaki. Sa impormasyon ay sakay ng Emirates Flight No. EK 332 mula Dubai ito at dumating noong January 7, 2021.

 

Sa ngayon ay tinututukan na ng QC government ang sinasabing unang kaso ng UK variant ng COVID19. Nagsasagawa na ng contact tracing nag QC Health Department Epidemiology and Surveillance Unit sa mga nakasalamuha ng naturang lalaki. Sa ngayon ay hinihintay na ng QC CESU ang mga listahan ng mga pasahero ng naturang flight kung sinu-sino pa ang mga taga- QC sa mga pasahero.

 

Una nang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na dapat ugaliin ang mahigpit na pagpapatupad ng health safety protocols. Lalo pa sa ngayon na dapat itong paigtingin dahil sa  may UK COVID-19 variant na sa bansa at sa QC ito unang nakita. Sa ngayon ay nasa HOPE center na ng QC ang lalaking nagpositibo sa bagong uri ng COVID19 virus.

 

Samantala, bagong sakit sa ulo ang kinakaharap ngayon ng Department of Health dahil maliban sa nakapasok na ang bagong coronavirus disease variant sa Pilipinas, hindi raw pinapansin ng ilang nakasabay ng positive patient ang kanilang mga tawag.

 

Miyerkules ng gabi ng kumpirmahin ng pamahalaan ang pagpasok ng United Kingdom variant sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Pinoy na negosyanteng galing Dubai, na siyang naka-quarantine ngayon sa Quezon City.

 

“Some passengers are rejecting our call. Sana po ay kausapin nila kami para… mabigyan namin sila ng guidelines on what they should,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Veregeire.

 

“Nakipag-coordinate din kami sa local governments so pupuntahan din po kasi we have their addresses.”

 

Ang UK variant ay sinasabing mas nakahahawa ng aabot sa 70% kumpara sa karaniwang COVID-19, ayon na rin sa World Health Organization ngunit hindi pareho pa rin ang mode ng hawaan.

 

Ang 29-anyos na lalaki, na siyang sumakay sa Emirates Flight EK 332, ay nakitaan ng B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant matapos magpositibo. Gayunpaman, negatibo ang kasama niyang babae.

 

Ang United Arab Emirates, na kanyang pinuntahan, ay hindi kasama sa 33 bansa’t teritoryo na pinatawan ng travel restrictions ng gobyerno.

 

Inirerekomenda na sa ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III sa listahan ng mga bansang nais sarhan dahil na rin sa pangyayaring ito.

 

Idinetalye ni Vergeire sa press briefing ng DOH ngayong umaga ang mga nakasalamuha ng nasabing Pinoy.

 

Sa 159 pasahero ng Emirates Flight EK 332 maliban sa kaso, 92 (58%) na ang kinontak at tanging 52 (64%) pa lang ang sumasagot.

 

“23 were seated in the four rows in front behind, or at side of case GF, 15 (65%) were contacted and 12 (80%) responded.”

 

“Those who did not respond had unattended phones, number cannot be reached, wrong number, or rejected calls of contact tracers.”

 

Pinatitindi naman daw ngayon ng DOH ang kanilang efforts para sabihan ang publiko pagdating sa mas nakahahawang COVID-19 variant.

 

Kasalukuyang may mild symptoms ang pasyente at minomonitor ng QC Health Department.

 

“At this time wala po kaming nakikitang dahilan para ilipat siya sa ibang quarantine or hospital, better na hindi na siya malipat-lipat, the better for us para ma-ensure nating wala nang transmission na mangyayari,” Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveillance Unit.

 

Umabot na sa 492,700 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling pag-uulat ng pamahalaan. Sa bilang na ‘yan, 9,699 na ang patay. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers

    BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi […]

  • Ads April 26, 2023

  • Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

    IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.     Ang kautusan […]