• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert

NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day.

 

Tweet ni Regine last January 22, Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman.

 

“Please wag nyo na I repost.”

 

Sold out na ang P2500 kaya nagdagdag pa ng additional 100 slots para sa VIP tickets dahil marami pang gustong mag-avail na bukod sa concert ay makasama sa Zoom after party, virtual meet and greet, behind the scene at ang request portion with Regine.

 

Para naman sa concert lang ang gusto P1200 ang ticket nito at streaming worldwide, kaya mas marami ang makakapanood.

 

Samantala, marami pa rin ang nagne-nega kaya may na-comment naman ang netizens sa fashionpulis.com sa post na ito ni Asia’s Songbird at may nagtanggol din naman:

 

“Wow pampaingay. As if May interested pa lol.

“Ang bitter mo naman. Stop being so nega.

“Same old biritan na naman to siguro.

“Kapagod sa tenga. Sakit sa ulo. Puro sigaw.

“Filipinos… Masyadong nasanay sa free.

“Kahit libre pa yan wala ng interesado

“What concert? R2K? Chareng.

“Takot syang Luge concert nya..nakikiusap si madam..lol

“Syempre naman, patok kase siya ang Asia Songbird. Sikat siya buong Asia sobra expensive kase ticket concert ni Regine eh may pandemic kaya yung other’s nagpirate siguro.

“Bakit kilala ba siya sa India, Myanmar, Thailand Korea, Japan etc.

“Di na maibabalik ang dati.

“yung mga nega comments dito for sure mga di pa yan nakanuod ng live concert ni Regine and wala din pambili ng ticket for the upcoming one hahha. ugali ng mga pinoy yan eh…

“Kahit ipirate walang manonood busy mga tao.”

Samantala, kahapon napanood na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 kapalit ng timeslot na Sunday Noontime Live.

 

***

 

SPEAKING of ASAP Natin ‘To, ka-join na rin ang newest Kapamilya na si Janine Gutierrez bilang host.

 

Winelcome na nga si Janine sa show, at abangan na lang kung ano pang projects ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

 

Comment naman ng netizens, “May mapaglagyan na lang talaga eh. Lol. Ang dami na nila dun pero dahil kailangan bigyan ng show ang bagong lipat eh isiningit na lang.”

“Na sinagot naman ng, “Lahat ng sikat dumaan sa ASAP ano ba inaarte niyo? Eh yung sa kabila nakailang palit na ng noontime show, or meron pa ba now, sila Kyla, Ogie, Janno, Jaya, Regine, Lani pa din ang tanda ng tao.”

“so nasaan na pala ngayon sila kyla, ogie, jaya, regine? Di ba nasa asap? Nasaan na yung mga sinasabi mong sikat sa ASAP?”

 

May nagtanong kung ano raw kaya ang ibibigay ng title kay Janine. At may nag-suggest na bagay daw ang ‘Social Relevance Princess’ dahil nga sa pagiging vocal at comments niya sa mga issues.

 

Oh well, abangan na lang natin! (ROHN ROMULO)

Other News
  • 50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA

    Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.     Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), […]

  • Ads June 8, 2024

  • Lotlot at Mon, wagi rin ng acting awards: CHARO at CHRISTIAN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa ‘The 5th EDDYS’

    TINANGHAL na ang pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa katatapos lang na ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).   Naganap ito kagabi, November 27, sa Metropolitan Theater (MET), mula sa mahusay na direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice […]