Murder suspect sa Navotas, arestado
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.
Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.
Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.
Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.
Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)
-
Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya
INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps. Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro. Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]
-
PINAKAMABABANG AKTIBONG KASO NAITALA NG NAVOTAS
NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon. Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso. “Just this Saturday, during our situationer, […]
-
Piñol, magsisilbi bilang food security adviser kay incoming NSA Clarita Carlos
NAPILI si dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol para magsilbi bilang food security adviser kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos. “Yes . Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol. Ani Piñol, sinang-ayunan […]