• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINAKAMABABANG AKTIBONG KASO NAITALA NG NAVOTAS

NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.

 

 

Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.

 

 

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from COVID,” dagdag niya.

 

 

“Ang importante po ay wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba na nang todo ang mga kaso at di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” sabi pa niya.

 

 

Hinikayat din ni Tiangco ang mga Navoteño na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

“We have started our vaccination for 12-17 years old, with or without comorbidity. We have allocated 300 slots per day. Parents or guardian, who have yet to get their vaccine, may accompany their child and have themselves vaccinated, too. However, they need another adult to assist them in case they experience side effects,” aniya.

 

 

Nagbukas ang Navotas ng tatlong site para sa pediatric vaccination. Kailangang magtakda ang magpapabakuna ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/ at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site. (Richard Mesa)

Other News
  • 3×3 olympic qualifying tourney sisiklab sa Austria

    Nakatakdang magaganap ang FIBA 3×3 Olympic qualifying tournament (OQT) sa Graz, Austria sa May 26 hanggang 30, 2021.   Ito ang unang opisyal na FIBA 3×3 competition sa Austria, ayon sa FIBA.   “The focus of our government in sports is the promotion of trending and green sporting event,” ani Austria Vice-Chancellor at Sports Minister […]

  • BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’

    MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives.      Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]

  • Aminadong napi-pressure kaya dapat niyang galingan: GELA, pinakamatapang at mas palaban kumpara kina ARJO at RIA

    NAGING emosyonal si Gela Atayde ginanap na welcome presscon na in-organize ng kanyang talent management na Star Magic, lalo nang mapanood niya ang mensahe ng kanyang Mommy Sylvia Sanchez.     Para ito sa pagwawagi ng dalaga nina Papa Art Atayde at Sylvia sa World Hip-Hop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona.     […]