• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baron dinidiskartehan ng Japanese at Taiwanese

HINDI  panglokal kundi international din ang kalibre ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mary Joy ‘Majoy’ Baron kaya dalawang banyagang koponan sa balibol ang nagkakandarapa sa kanya upang mahikayat siyang sa ibayong dagat na humambalos.

 

 

Napasadahan ng pahayagang ito nitong isang araw lang ang Instagram story ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker .

 

 

Sinagot ng 25 taon, 5-11 ½ ang taas at isinilang sa Tarlac, ang isang volleyball fan na nag-usisa sa kanyang “A Japanese Team tried to get you?”

 

 

Sumagot naman ang multi-awarded volleybelle ng “False. But a Japanese team asked for my availability,” pagbubunyag ng dalaga.

 

 

Hinirit niya sa isa pang ‘Q’, ” na isang Tawain team ang nanliligaw sa kanya bago pa mag-Grand Prix 2020.

 

 

Maaring binatay ng foreign squad ang pagkagusto sa beteranang balibolista sa pasiklab ni Baron sa 30th Southeast Asian Games PH 2019, at sa kaparehas na taong ASEAN Grand Prix na rito’y hinirang siyang Best Middle Blocker.

 

 

Puloy lang sa pakondisyon ang tsinitan bilang paghahanda sa 9th PSL  2021 Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic Freeport sa Pebrero. (REC)

Other News
  • Ads May 12, 2021

  • Kasama si Marian para mag-pin ng badge at medal… DINGDONG, may bago na namang achievement bilang reservist

    DAPAT talagang ipagmalaki ni Kapuso Primetime King at Box-Office King na si Dingdong Dantes ang kanyang latest achievement sa pagiging reservist ng Philippine Navy.     Isa na ngayong certified naval combat engineering officer ang award-winning actor, matapos nang matinding training na kanyang pinagdaanan.     Last Monday, March 25, tinanggap ni Dingdong ang kanyang […]

  • DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

    PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.       Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]