• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.

 

Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.

 

Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) matapos makapaglunsad ng COVID-19 tests sa 4.01 milyong indibidwal. Sa kabila niyan, 14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta, Lunes.

 

Kalakhan sa mga sariwang bilang ay produkto ng mga sumusunod na probinsya’t rehiyon sa Pilipinas:

·National Capital Region (566)

·Cavite (174)

·Pangasinan (145)

·Northern Samar (104)

·Quezon (98)

 

“99 duplicates were removed from the total case count. Of these, 77 recovered cases and 2 deaths have been removed,” saad ng DOH sa isang pahayag.

 

“Moreover, 7 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”

 

Pero hindi lahat ng bilang na ‘yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o ‘di kaya’t namatay na. 48,040 na lang tuloy ang nalalabing “active cases” sa mga ‘yan.

 

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 50 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,497 ang total local COVID- 19 casualties. (Daris Jose)

Other News
  • HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan

    AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi.     Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na […]

  • Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform 

    Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform  para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)

  • De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

    SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.     Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.     […]