• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal

APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga.

 

Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

 

Nasawi rin ang mga sakay niyang sina Rozalie Soldevilla, 35; Raquel Soldevilla, 42; at Rodolfo Soldevilla, 70, pawang mga residente ng Tabuk City, Kalinga.

 

Malubhang nasugatan ang isa pang pasahero, na nakilala bilang si Roxanne Soldevilla, 25, residente din ng Tabuk City.

 

Minamaneho ni Dumlao ang kotse sa bahagi ng highway na sakop ng Brgy. Panikihan dakong alas-4:30, nang sumalpok itoo sa kasalubong na Isuzu truck (RGC-417), na noo’y minamaneho ni William Pelareja, 34, patungo sa direksyon ng Maynila.

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na lumipat sa kabilang lane ang kotse kaya ito sumalpok sa trak.
Dinala lahat ng sakay ng trak sa Gumaca District Hospital, pero di na umabot nang buhay si Dumlao at tatlo sa kanyang mga pasahero, ayon sa ulat.

 

Naka-confine pa sa naturang pagamutan ang ikaapat na pasaherong si Roxanne, habang isinusulat ang istoryang ito.
Hindi nasugatan si Pelareja sa insidente, ayon sa pulisya.

Other News
  • Radyo5, may new look at identity bilang 92.3 TRUE FM: TED, naniniwalang mag-i-evolve ang lahat pero mananatili ang radyo

    MAPAPAKINGGAN na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5.     Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng […]

  • Pacquiao nasa huling linggo na ng training camp sa Hollywood, California

    Nasa huling linggo na ng kanyang training camp si Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, bago ang big fight sa August 22.     Aminado ang Hall of Famer coach na si Freddie Roach na hindi na siya nagulat na sa ead na 42-anyos ngayon ng Pinoy ring icon, ito pa rin […]

  • Top 6 most wanted person ng NPD, natimbog ng Valenzuela police sa Samar

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lalaking akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos matunton ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang kanyang pinagtaguang sa lalawigan ng Samar, kamakalawa ng tanghali.     Inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador […]