Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape.
Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino.
“Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine every day. Or guys go out to have wine after games or have a little drink here and there. Marijuana should be in that tone,” ayon kay Durant sa panayam sa kanya sa ‘All The Smoke’ sa Showtime.
Aniya pa, kung hindi trip ng iba ang marijuana ay huwag nila itong gamitin, at giniit na nakabubuti umano ito sa katawan kaya’t marapat lang na gawing ligal.
“It’s just like, marijuana is marijuana. It’s not harmful to anybody. It can only help and enhance and do good things. I feel like it shouldn’t even be a huge topic around it anymore,” aniya pa. “Why are we even talking about? It shouldn’t even be a conversation now. So hopefully we can get past that and the stigma around it and know that it does nothing but make people have a good time, make people hungry, bring people together — that plant brings us all together.”
Noong Nobyembre nang nakaraang taon ay nakipag-partner si Durant sa Canopy Rivers – isang firm na tumatangkilik sa cannabis o marijuana.
-
“Guko” nalambat sa baril at shabu sa Navotas
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang masita dahil walang suot na damit habang naglalakad sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Angelito Jaime alyas “Guko”, 20, (user/listed) ng 95 B. Cruz St., Brgy. Tangos North. […]
-
Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime
TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP). Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP, ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime, kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula […]
-
Bilang ka-partner ni Wilbert sa digi-series: TikToker na si YUKII, nabigyan ng big break sa ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’
PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae. Nagsimulang lumikha ng […]