Manila Bay Cleanup Compliance, nasungkit ng Navotas
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 94.2% na marka sa 2019 Assessment of Compliance of Local Government Units to Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).
Kasama ang Navotas sa top five na mga LGU na nagtaguyod ng Supreme Court mandamus na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na linisin, ayusin at ipreserba ang Manila Bay at ibalik ang water quality nito para pwede ng paglanguyan o gamitin sa contact recreation.
Hinikayat ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño at opisyal ng barangay na ipagpatuloy ang pagsisikap na manatiling malinis ang mga katubigan sa lungsod.
“Ang pangingisda ang ating pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at bilang fishing community, dapat binibigyan natin ng lubos na pagpapahalaga ang kalusugan at kondisyon ng ating mga dagat at ilog,” ani Mayor. “May mga polisiya at programa tayo para mapanatiling malinis ang ating mga dagat at ilog at ibalik ang water quality nito sa swimming level. Ngunit, kailangan natin ang suporta at pakikilahok ng lahat para magtagumpay ang mga polisiya at programang ito.”
Ipinapatupad ng Navotas ang mga ordinansa ukol sa anti-littering, maayos na sewage at septage sa mga kabahayan, opisina at establisimiyento, at iba pa.
Aktibo rin itong nakikilahok sa Battle for Manila Bay clean-up drive at nakakolekta ito ng 2,267,087 kilo ng basura noong Enero hanggang Disyembre 2019.
Dagdag pa rito, patuloy na nagsisikap ang lungsod na makapagbigay ng bagong tahanan sa mga informal settler families na nakatira sa tabing-dagat o ilog.
Ang Department of Environment and Natural Resources at San Miguel Corp., sa kabilang banda, ay nagsimula ng magsagawa ng sustainable dredging program para sa Tullahan-Tinajeros river system.
Maliban sa pagtanggal ng silt, debris at basura sa ilalim ng ilog, inaasahang makatutulong ang dredging program para maiwasan ang pagbaha sa Bulacan. (Richard Mesa)
-
PEKENG OPTOMETRIST, INARESTO NG NBI
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng Optometrist sa Iriga City Ang pagkakaaresto kay Josephine Nazarrea y Balang ay bunsod sa reklamo ng Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur dahil sa pagpa-practice nito ng Optometry sa N. Balang Sagara Optical Clinic sa New Iriga City Public Market. […]
-
NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.
Tinukoy ang accomplishment report ng Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang working visit sa Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon sa ASEAN Summit sa Cambodia at APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively […]
-
Bagong challenge ang mag-portray ng isang serial killer: PIOLO, ngayon palang masusubukan ang ultra bad na character
SA totoo lang, super enjoy panoorin si Dingdong Dantes hosting Family Feud. Mahusay si Dong makipag-interact sa kanyang mga guests. At kung minsan ay may halong comedy pa ang banat niya ng punchlines. Kung contestant ka, para makakampante ang feeling mo at ‘di ka kakabahan kasi very engaging host si Dong. […]