• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban sa South Korea, ipatutupad na

Inianunsyo ng Malacañang na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpapatupad na rin ng ban na makapasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling mula North Gyeongsang province ng South Korea.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsa-sagawa pa ng risk assessment ang task force sa loob ng 48 oras kung kailangang palawakain ang mga lugar sa South Korea na sasaklawin ng travel ban.

 

Ayon sa kalihim, sa ngayon ay ipaiiral muna ang mahigpit na protocols sa mga manggagaling sa ibang bahagi ng South Korea.

 

Papayagan ang mga Pilipino na makabiyahe ng South Korea kung sila ay permanent residents doon, aalis para mag-aral o kaya overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho doon.

 

“The IATF has authorized Filipinos to travel to South Korea, provided that they are permanent residents thereof, leaving for study, or are overseas Filipino workers therein. They are to execute and sign a declaration, signifying their knowledge and understanding of the risks involved, prior to their travel,” ani Sec. Panelo.

 

“With respect to other parts of South Korea, the IATF shall conduct a risk assessment of the situation in the aforesaid country within 48 hours to analyze whether it is necessary to expand the travel ban thereto. In the meantime, strict protocols with respect to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed.” (Daris Jose)

Other News
  • Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon

    LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.     Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo […]

  • Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

    IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]

  • Mariing itinanggi ang akusasyon sa kanya: RICHARD, nag-file ng cyber libel complaint laban sa nagpakalat na may inabandonang anak

    NAG-FILE ng cyber libel complaint ang Kapuso actor na si Richard Yap laban kay Nina Mabatid dahil sa pagkalat nito na meron siyang inabandonang anak.   Sa Facebook account ng aktor naka-post ang kanyang warrant kay Mabatid.   “Thank you Lord that the wheels of Justice are finally moving. Even though she tried to influence […]