• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo.
Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana ng mga lokal at dayuhang Katoliko, bago pa man ang ginanap na deklarasyon nito.
Isang misa ang ginanap noong Lunes, Enero 29 upang pormal na italaga ang Quiapo Church bilang isang pambansang dambana.
Sinabi ng alkalde na ang pag-angat ng Quiapo Church mula sa dating katayuan nito bilang isang archdiocesan shrine tungo sa isang national shrine ay magiging malaking tulong sa matinding
debosyon ng lungsod gayundin sa turismo.
Ayon sa alkalde, inaasahan nila na mas maraming tao ang maaakit sa napakasikat na Quiapo Church, na lumikha ng malaking relihiyoso at kultural na epekto sa buong bansa, lalo na sa panahon ng pagdaraos ng taunang Traslacion.
Kilala bilang kanonikong Parokya ni San Juan Bautista, ang Quiapo Church ay kinilala ni Pope John Paul II noong 1987 bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa epekto nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino noong 1987.
Naging tanyag ito sa buong mundo dahil sa pag-akit ng milyun-milyong deboto sa Traslacion tuwing Enero 9 bilang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ang pambansang dambana ay isang Simbahang Katoliko o isang sagradong lugar na nakatugon sa ilang mga kinakailangan at binibigyan ng karangalan ng pambansang kumperensya ng mga obispo bilang pagkilala sa espesyal na kultura, kasaysayan, at relihiyosong kahalagahan ng simbahan.  (Leslie Alinsunurin)
Other News
  • Dahil sa pahayag ni Manny laban sa LGBTQ+ community… Fil-Am actor na si DAVE, inaming pinatungan ang team logo tattoo

    INAMIN ng Filipino-American wrestler-turned-Marvel actor na si Dave Bautista na pinatungan niya ng ibang design ang dati niyang tattoo na team logo ni Manny Pacquiao.     Sa interview ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 star with American magazine GQ na naka-post sa TikTok, hindi binanggit ni Bautista ang pangalan ni Pacquiao tungkol sa […]

  • SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

    TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.     Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.     Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa […]

  • Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril

    MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat  ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos.   Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico  sa pagtatanggol sa kanyang […]