• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular

Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador.

 

Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanila ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

 

Nabatid na karamihan umano sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.

 

Hinamon din niya ang pamunuan ng ABS-CBN na bayaran ang mga backpay at iba pang benepisyo ng may 120 empleyado na umano’y iligal na tinanggal noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte.

 

Dagdag pa ng mambabatas, siguraduhin din na maayos at nababayaran lahat ng tama ang kanilang mga empleyado kasama ang lahat ng benepisyo na naaayon sa batas.

 

Kung gagawin umano ito ng ABS-CBN, siguradong magsusunuran ang ibang malalaking kumpanya.

Other News
  • Ads February 28, 2022

  • Suggested prices sa mga noche buena products inilabas na ng DTI

    INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.   Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.   Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na […]

  • HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH

    HANDA  na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]