• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLAUDINE, tanggap ang relasyong RAYMART at JODI ‘wag lang pabayaan ang anak nila

ANG Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio ang magpo-produce ng comeback movie ni Claudine Barretto.

 

 

Ito ay ididirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos.

 

 

Ang story idea ay nagmula mismo kay Atty. Topacio, na nag-compose pa ng kanta na inawit sa contract signing cum presscon ni Claudine to announce her movie comeback after a six-year hiatus.

 

 

Claudine expressed happiness na finally ay matutuloy na rin ang kanyang pagbabalik sa pag-arte. Ilan ulit na kasi naibalita na may gagawin siyang pelikula pero hindi naman ito natutuloy.

 

 

“Excited ako sa project na ito,” wika ni Claudine who was accompanied sa presscon ng kanyang manager na si Arnold L. Vegafria.

 

 

Makakasama rin ni Claudine sa pelikula ang mahusay na singer na si Gerard Santos, nakakapanalo lang bilang Entertainer of the Year sa Aliw Awards.

 

 

Bukod sa contract signing with Borracho Film Productions, pumirma rin si Claudine ng endorsement contract with Cathy Valencia.

 

 

Sabi naman ni Direk Joel, matagal na niyang gustong makatrabaho si Claudine sa pelikula. Naidirek na niya si Claudine sa teleserye at hanga siya sa husay ng aktres.

 

 

“Hindi siya dapat mag-retire dahil mahusay siyang aktres. Alam ko ang potential niya. Ipinapangako ko na ang pelikulang gagawin ay magiging isang importanteng pelikula na ipagkakapuri ng lahat,” pahayag ni Direk Joel na nagulat na siya pala ang napisil ng Borracho Films to be at the helm of Claudine’s comeback acting vehicle.

 

 

Sa presscon ay natanong si Claudine tungkol sa napabalitang relasyon nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

 

 

Sinabi ni Claudine na okey lang sa kanya kung may relasyon man sina Raymart at Jodi. Pero sana raw ay huwag kalilimutan ni Raymart ang responsibilidad niya bilang isang ama. Ipinaglalaban lang daw ni Claudine what is due her children.

 

 

Nagkausap naman daw sila ni Jodi pero itinanggi niya na tinawagan siya nito, as Jodi said in some of her interviews.

 

 

Siya raw ang tumawag kay Jodi at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

 

 

***

 

 

HINDI pa rin pinapayagan na magbukas ang mga sinehan pero umaasa pa rin si Atty. Topacio na maipapalabas sa big screen ang Mamasapano film na dinirek ni Lawrence Fajardo para sa Borracho Films.

 

 

Commitment daw niya sa pamilya ng mga sundalo ang pelikulang ito. Gusto raw nilang ilahad ang kwento ng SAF 44 based sa mga news reports at senate inquiry.

 

 

Very factual daw ang kwento kaya nararapat lang daw itong mapanood ng mas maraming tao.

 

 

Bagamat open din siya sa idea ng streaming, mas magugustuhan daw niya na maipalabas sa mga sinehan ang Mamasapano film dahil mas maganda raw na mapanod ito sa big screen.

 

 

Si Edu Manzano ang tanging artista ng pelikula na present sa presscon noong Monday ng tanghali.

 

 

Sa open forum ay sinabi ni Edu na walang pinapanigan ang pelikula. Bahala na raw ang audience ang humusga sa kwento ng movie after nila mapanood ito.

 

 

All star cast ang Mamasapano film. Tampok din sa movie sina Claudine Barretto, Aljur Abrenica, Rey Abellana, L.A. Santos, at Gerard Santos. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Ads September 16, 2022

  • CBCP nanawagan sa publiko na manatiling sumunod sa mga protocols ngayong panahon ng Semana Santa

    NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong maraming mga aktibidad ang nakatakdang ganap sa panahon ng Semana Santa.     Sa isang statement ay muling nagpaalala si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa […]

  • Malakanyang pinangalanan ang bagong PCO, DICT, AFP

    INANUNSYO ng Malakanyang ang bagong appointments sa Presidential Communications Office,  Department of Information and Communications Technology at Armed Forces of the Philippines (AFP).     Ang mga sumusunod na itinalaga sa Presidential Communications Office: ay sina: Katrina Grace Ongoco – Assistant Secretary Nelson De Guzman – Director II Robertzon Ramirez – Director I Habang ang […]