• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd

Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ni Pangulong. Rodrigo Duterte na bawiin ang planong payagan na ang mga batang 10 hanggang 14-taong gulang na makalabas na ng kanilang tahanan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

 

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala silang problema o agam-agam sa desisyon ng Pangulo.

 

 

Aniya, nauunawaan nila sa DepEd ang desisyon ng Pangulo, lalo na at nang isagawa naman aniya ang desisyon na payagan nang luwagan ang age restriction sa mga bata ay wala pa namang nade-detect na mga kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa.

 

 

“Kami po ay pumapayag dahil may batas na tayo na nagsasabi na ang Presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas at pagsara ng ating mga programa sa DepEd, on the recommendation of the DepEd,” ayon kay Briones.

 

 

Sa Pebrero 1 sana ay papayagan na ang mga batang 10-14 taong gulang na makalabas ng kanilang tahanan sa MGCQ areas.

 

 

Gayunman, nitong Martes binawi ni Duterte ang desisyon ng IATF dahil na rin sa banta ng UK variant ng COVID-19.

Other News
  • Ads December 10, 2021

  • Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19

    Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.     Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 […]

  • DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia

    Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor.       Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay.     “The policy is not anti-poor […]