• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalaga arestado sa motornapping sa Navotas

Kalaboso ang isang 23-anyos na bebot matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, bar employee at  residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinayagan ng complainant na si Melvin Ramos, 32, financing officer ng No. 293 Anthurium St., Brgy. NBBS Proper si Alberto Del Rosario na gamitin ang kanyang kulay itim na Yamaha Mio Sporty.

 

 

Dakong 11 ng gabi, iniwan nakaparada ni Del Rosario ang naturang motorsiklo malapit sa kanyang bahay sa Santiago St. Brgy. Sipac-Almacin.

 

 

Makalipas ang isang oras, nakita ng saksing si Rodelio Perez, 59 ang suspek na tinangay ang naturang motorsiklo sa pamamagitan ng pagtulak patungong San Rafael St. subalit, nang mapansin siya nito ay iniwan ni Cruz ang motorsiklo.

 

 

Ipinalaam ng saksi ang insidente sa kalapit na barangay hall saka sa Sub-Station 3 upang matukoy kung sino ang may-ari ng motorsilo.

 

 

Nang makumpirma na tinangay nga ang naturang motorsiklo ay agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga patakbo balikan

    NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event.     Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner.     Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang […]

  • 3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan

    Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]

  • GILAS TAGILID SA THAILAND AT KOREA SA FIBA QUALIFIERS

    DAHIL wala pa ring ensayo, nangangamba ang Gilas Pilipinas, na bubuin ng cadets team, sa magiging performance nila sa pagsabak sa tatlong killer games sa loob ng limang araw sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.   Ayon sa ulat, agad na sasagupa ang Gilas kontra sa Southeast Asian foe […]