• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GILAS TAGILID SA THAILAND AT KOREA SA FIBA QUALIFIERS

DAHIL wala pa ring ensayo, nangangamba ang Gilas Pilipinas, na bubuin ng cadets team, sa magiging performance nila sa pagsabak sa tatlong killer games sa loob ng limang araw sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa ulat, agad na sasagupa ang Gilas kontra sa Southeast Asian foe na Thailand at matagal ng karibal na Korea sa inilabas na iskedyul ng FIBA sa planong bubble sa Bahrain.

 

Unang sasagupain ng Gilas ang Thailand sa November 26 na magsisilbing rematch sa gold medal game na naganap sa 30th Southeast Asian Games noong isang taon.

 

Matatandaang napurnada ang FIBA qualifier na nakatakda noong Pebrero dahil sa global COVID-19 pandemic.

 

Maghaharap muli ang Gilas at Thailand sa November 30 bilang huling laro sa Bahrain bubble.

 

Hawak ng Pilipinas ang 1-0 record sa Group A matapos talunin sa iskor na 100-70 ang Indonesia sa Jakarta noong February 24.

 

Ang Gilas Pilipinas ay bubuin ng mga collegiate star at inaasahang walang PBA player na lalahok dahil kasalukuyang naglalaro sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Other News
  • No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

    Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.   Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza […]

  • 15K NA MGA COVID19 CONTRACT TRACER HANAP MULI NG DILG

    TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers  para sa COVID-19 contact-tracing efforts.     Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa.     Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG […]

  • Reyes tutumbok sa Enero 23

    PINAG-AARALAN ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya na ipatimbog sa mga awtoridad para kasuhan ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang alamat ng bilyar.   Nakatakdang sumargo pa ang 66-anyos na, may taas na 5-9 cue artist kapareha si Ronato ‘Ronnie’ Alcano upang kalabanin ang kumpareng si […]