• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nagbigti dahil sa depresyon

Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.

 

 

Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangkin babae ng biktima upang umihi.

 

 

Subalit, laking gulat na lamang ng bata nang makita niya ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

 

 

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano. (Richard Mesa)

Other News
  • Paliwanag ng South Korea ibinasura ng FIBA

    IBINASURA ng International Basketball Federation (FIBA) ang apela ng South Korea sa pagliban nito sa FIBA World Cup Qualifiers noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum.     Ayon sa isang ulat na lumabas sa South Korea, isinumite ng Korea Basketball Association (KBA) ang lahat ng dokumento upang ipaliwanag ang kanilang naging sitwasyon.     Kasama […]

  • DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’

    MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.     Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]

  • Plano kontra COVID-19, ilalatag ng PBA

    NAKATAKDANG bumuo ang Philippine Basketball Association ng plano para tugunan ang pinakahuling kumpirmasyon ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa loob at labas ng bansa.   Kabubukas pa lang nitong Linggo ng 45th season ng liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan tinambakan sa unang laro ng defending champion San […]