• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nietes muling aakyat sa ruwedang parisukat

PAGKALIPAS  nang  mahigit dalawang taong tengga sa banatan sanhi ng Coronavirus Disease 2019, muling papanhik sa ring si four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

 

 

Isa ang Visayan fighter at dating ALA boxing stable member sa nilulutong  slugfest card sa Dubai, United Arab Emirates  sa parating na Abril 3 ng bago nilang promoter na MTK Global.

 

 

Huling nakipag-umbagan ang 38-taong-gulang, may taas na 5-3 at tubong Murcia Negros Occidental noong Disyembre 31, 2018 at nakaalpas via split decision win kay Kazuto Ioka ng Japan para iuwi ang World Boxing Organization (WBO) super-flyweight title.

 

 

Ang dati at kasalukluyan niyang kakuwadrang beteranong si Albert Pagara’y isasalang din sa nalalapit na boxing card.

 

 

Kapapanalo lang ni Pagara kay Virgil Puton noong Dis. Ng nakalipas na taon.

 

 

Ihahayag sa mga susunod na linggo ng MTKG  ang mga makakaupakan ng dalawang boksingerong Pinoy. (REC)

Other News
  • Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI

    Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.     Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.     Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital […]

  • Sa muling pagsasama sa pelikulang ‘Un/Happy For You’: GERALD, full support sa balik-tambalan nina JOSHUA at JULIA

    DAHIL sa mga naunang pangyayari sa kanyang lovelife ay hanggang maaari ayaw nang ibahagi sa publiko ni Sunshine Cruz ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.   Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan last 2022 ng magaling na aktres sa pulitiko na ngayong si Macky Mathay.   “After the very public relationship I had with my […]

  • Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

    Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.     Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]