• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers

Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.

 

 

Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Al Panlilio, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, hindi mababago ang petsa ng mga laro ng Pilipinas ngunit makikipag-ugnayan pa rin sila Qatar Basketball Federation para sa final schedule.

 

 

“We would have loved to host Groups A and C in Clark but things beyond our control made it necessary to adjust our plans and we thank everyone for their flexibility,” saad ni Panlilio sa isang pahayag.

 

 

“The games will be played within the same timeframe but we’ll be communicating with the Qatar Basketball Federation for the final schedule as there might be necessary adjustments since they are now hosting 12 teams,” dagdag nito.

 

 

Kasama ng Pilipinas sa Group A ang Korea, Thailand, at Indonesia.

 

 

Maliban sa Group A, sa Doha na rin gaganapin ang mga laro ng Group B na kinabibilangan naman ng Japan, China, Chinese Taipei, at Malaysia.

 

 

Nakatakda namang gawin ang huling window ng qualifiers mula Pebrero 17 hanggang 23.

Other News
  • LUIS, tanggap ang unfortunate accident na nakunan ang private part; proud sa movie dahil nakatrabaho si Direk BRILLANTE

    NASA number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang newest erotic-drama movie ni Direk Brillante Mendoza na Palitan na nagsimulang mag-streaming noong December 10, 2021.     For sure, nakadagdag sa mabilis na pagna-number one ng Palitan sa Vivamax ang pinagpipiyestahan sa socmed ang screenshot ng ‘dick slip’ photo ng isa sa bida ng pelikula na […]

  • 42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO

    NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.     Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon […]

  • Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan

    BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg  na nationwide  caravan.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City.     “Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now […]