Mayor Magalong, nagbitiw bilang tracing czar
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kontra Covid-19.
Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against Covid 19 ang pagbibitiw ni Magalong.
Patuloy kasi ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya.
“We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s Tracing Czar. Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to enjoy the trust and confidence of the leadership of the National Task Force against Covid 19,” pahayag ni Sec. Roque.
Nabatikos si Magalong matapos dumalo sa birthday party ng social media personality na si Tim Yap sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City noong Enero 17.
Napansin ng mga netizens na hindi sumunod sa itinakdang health protocols kontra Covid -19 si Magalong pati na ang iba pang mga bisita sa birthday party.
Samantala, iginiit ng Malakanyang na wala kahit na anuman o kahit na sinuman ang pinapaboran ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ng protocols para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Ito’y kaugnay sa isang party na dinaluhan ng mga celebrities at opisyal ng pamahalaan.
Pinagpipiyestahan kasi ngayon sa social media ang mga retrato at video sa birthday party ng personalidad na si Tim Yap sa Baguio City, na ayon sa netizens ay “insensitive” at lumabag sa health protocols sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Yap, inorganisa niya ang “dinner” para i-promote ang local tourism ng Baguio City.
“Pagdating sa pagpapatupad ng protocols, wala po tayong kinikilala—mayaman, mahirap, lalaki, babae, kung ano mang kasarinlan (sic),” ayon kay Sec. Roque.
“Hayaan na po natin na umusad ang proseso. Buo po ang tiwala ni Presidente kay Mayor Magalong, buo po ang kaniyang respeto kay Mayor Magalong. The personal liability depends kung mayroon siyang personal na ginawa. Mere attendance is not actionable. Siya ba’y nag-observe ng social distancing, siya ba ay naka-mask? So kung ganoon naman, wala siyang liability,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA
TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre. Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 […]
-
1 John 4:18
There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.
-
Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales
NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya. Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales. “Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni […]