• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.

 

 

Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.

 

 

Kabilang sa nagbigay ng kani-kanilang mensahe para sa matagumapay na summit ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Christopher Lawrence Go, chair ng Senate Committee on Youth and Sports, Rep. Yul Servo, chair ng House Committee on Youth and Sports at Department of Education Secretary Leonor Briones.

 

 

Sa kanyang mensahe, inamin ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang malaking hamon na kinakaharap ngayon ng sports bunsod ng COVID pandemic.

 

 

Ang tinaguriang Sports Conversations ay serye ng weekly conference-type online sessions na hinohost ng (PSC).

 

 

Gagawin ito simula ngayong araw via Zoom at tatakbo hanggang Mayo ng taong ito.

 

 

“We know how much they value the role of sports in nation-building.” ani Ramirez. “We hope that they will inspire our participants to excel also and make a difference.”

Other News
  • Ads September 13, 2023

  • Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA

    Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group.     Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41.     Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay uma­lagwa na […]

  • Del Rosario 4th sa WAPT 6th leg, kumita ng P145K

    NAGSUMITE ng one-under par 71 pa-four-day aggregate 284 si Pauline del Rosario supang palabang sumosyo sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at magrasyahan ng $3,050 (P145K) sa karorolyong 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas.     Seven strokes […]