• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Garcia namumuro na kay Pacquiao?

Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo.

 

 

“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other; Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all,” ani Henry sa Sky Sports.

 

 

Ikinuwento pa ni Henry na isang 10-round boxing match lamang ang nakapaloob sa kasunduan.

 

 

Hindi rin itataya sa natu­rang laban ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight title ni Pacquiao.

 

 

Kaya naman tila nabig­yang linaw ang nauna nang pahayag ni Pacquiao na posibleng matuloy ang laban nito sa 22-anyos boxer ngunit magsisilbi lamang itong exhibition match.

 

 

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” ani Pacquiao sa naunang ulat ng PSN.

 

 

Naghihintay na lamang ng go signal ang kampo ni Garcia kung matutuloy ito o hindi.

 

 

“What I do know is both fighters want to fight each other and it’s going to be for real – it’s going to be a real fight,” ani Henry.

 

 

Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Ultimate Fghting Championship superstar Conor McGregor na matutuloy ang laban nito kay Pacquiao.

 

 

Halos kasado na ang Pacquiao-McGregor fight na napaulat na gaganapin sana sa Abril 23 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Subalit naging matamlay ang usapan matapos matalo si McGregor kay Dustin Poirier via second-round knockout sa Abu Dhabi.

Other News
  • Mga botante, hinikayat na na i-report ang mga kaso ng electoral fraud

    UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anumang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad.     “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin […]

  • OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA

    BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .     Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]

  • DoH nagpaliwanag sa pagpayag na optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor

    DUMIPENSA ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.     DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapokus […]