• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10-K gift cash natanggap ng centenarian sa Navotas

NAKATANGGAP ng cash na regalo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 th kaarawan.

 

Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO nan a mula sa pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco na sana ay makatulong sa kanya at kanyang pamilya.

 

“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa mga darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.

 

Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa National government.

 

“Sana all, umabot din ng isang daang taon. Kaya mag-face mask at mag social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.

 

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Mayor Tiangco kay lola Dominga kung saan sinabi nito na nag natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng Navotas.

 

Bukod dito, makakatanggap din si lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke

    Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club.     Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gaba­yan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]

  • PBBM, Kamala Harris pinag-usapan ang South China Sea sa Jakarta

    NAGKITA sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa  bilateral talks sa sidelines  sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.     “The two leaders discussed the maritime security environment in the South China Sea, and reviewed opportunities to enhance bilateral maritime cooperation, including alongside likeminded partners,” ayon sa ipinalabas na […]

  • Ads October 13, 2022