• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MARK at NICOLE, proud and happy sa pagdating ni BABY CORKY

SINILANG na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras noong January 31.

 

 

Sa Instagram post ni Mark, ang buong pangalan ni Baby Corky ay Mark Fernando Donesa Herras.

 

 

“Hi I’m Corky” caption pa ni Mark.

 

 

Sa IG Stories nila Mark at Nicole, nag-share sila ng videos ng kanilang baby na karga at pinanggigilan ni Mark. Nilagyan ni Nicole ng caption na “Thank you Lord.”

 

 

Mababasa rin sa IG ni Mark ang post niya bago nanganak si Nicole: “Itchy I love you!! Alam ko nahihirapan–kapagod, puyat–pero malakas ka naman, my itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky!! Love you!!!! Konting tiis na lang my love.”

 

 

Naging ready sina Mark at Nicole bago sinilang si Baby Corky. Sa kanilang vlog, pinakita nila ang lahat ng requirements tulad ng RT-PCR or Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test at home for COVID-19 kunsaan negative ang results. Pati na ang mga naging urine at blood tests niya.

 

 

***

 

 

MAY mga pinanghihinayangan pa rin hanggang ngayon si Luis Manzano sa mga nabili niya.

 

 

Kahit nga afford ni Luis ang bumili ng mga mamahaling gamit, kung puwede lang daw niyang ibalik iyon at gamitin niya ang pera sa mas importanteng bagay.

 

 

Sa webinar by Manulife titled “Ready, Set, #Goals,” kinuwento ni Luis ang pagbili niya ng luxury jacket sa New York na pinagsisisihan niyang bilhin.

 

 

Kuwento ni Luis na may ginagawa siyang pelikula sa New York nang makita niya ang isang mamahaling jacket sa isang high-end store.

 

 

“So I saw the jacket, I loved it, I walked in and everyone took care of me right away. So, they gave me food, gave me sandwiches. And it so happened na may iba akong mga fans na pumunta doon sa store na ‘yon. So, I was there and I had about, you know, six of my tagahangas with me at the store.

 

 

“They (the staff) said that jacket, the last piece, was bought by Will.i.am of the Black Eyed Peas. So, I was asking for one size. So, they had one jacket sent over from a different department store.

 

 

”When it finally got there, na-realize ko na I never looked at the price. So, could you imagine? So finally when I looked at the price, parang sinundo ako bigla ng mga ninuno ko. Parang I thought oras ko na!

 

 

“I heard singing, I saw a bright light. It turns out it was six figures!” tawa pa niya.

 

 

Gusto raw umalis na ni Luis sa naturang store, kaso nahiya raw siyang pumuslit.

 

 

“I was planning on leaving. I was planning on, you know, just sneaking out of the store. Ang dami ko na palang nakain at nainom. Tsaka all my fans were there. So, nakakahiya kung iniwan ko sila bigla.

 

 

“I ended up buying that jacket. Used it twice or thrice. It’s a nice jacket, but up to now, pinagsisisihan ko pa rin ‘yan!” tawa pa niya ulit.

 

 

***

 

 

NAKI-JOIN na rin si Jessica Soho sa TikTok!

 

 

May sariling TikTok account na ang top-rating show ni Jessica na Kapuso Mo, Jessica Soho at sa unang pinost na video ni Jessica, naka-1 million views ito agad in 24 hours!

 

 

May ilang influencers na rin ang sumakay sa TikTok video ni Jessica. Kabilang dito sina DJ Show Suzuki and Buknoy, na naki-duet sa naturang video.

 

 

May higit na 50K followers agad ang TikTok account ng KMJS. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pulis binentahan, 2 ‘tulak’ laglag sa drug bust sa Valenzuela

    HINDI inakala ng dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga na pulis ang kanilang nabintahan ng shabu matapos silang madakma sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.           Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ikinasa ng mga operatiba […]

  • Ads October 16, 2020

  • Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’

    Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.   “We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.   Inulan ng reklamo at […]