• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’

Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.

 

“We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.

 

Inulan ng reklamo at kristismo mula sa ilang indibidwal at grupo ang paghihigpit pa ng pamahalaan sa paggamit ng face shield, sa gitna ng lumuluwag na panuntunan ng ibang bansa laban sa COVID-19.

 

Nakasaad sa IATF Resolution No. 88 na kakambal ng pagsusuot ng publiko sa face masks, ay ang pagsusuot din ng face shield kapag nasa pampublikong lugar.

 

“Whenever they go out of their residences, pursuant to the existing guidelines issued by the national government,” ayon sa Section 8 ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.

 

Iginiit ni Duque na mismong mga health experts at scientists ang nagsabi na 99% protektado sa banta ng COVID-19 infection ang sabayang pagsu-suot ng face mask, face shield, at pagsunod sa tamang distansya.

 

Pero ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), hindi nila inirerekomend ang pagsusuot ng face shield dahil wala pang malinaw na ebidensyang kaya nitong proteksyonan mula sa coronavirus ang indibidwal na magsusuot nito.

 

“Face shields have large gaps below and alongside the face, where your respiratory droplets may escape and reach others around you. At this time, we do not know how much protection a face shield provides to people around you.”

 

Sa kabila nito, umapela ang Health secretary sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards para maiwasang mahawaan ng COVID-19 lalo na ngayong holiday season.

 

“Huwag tayo mapapagod kasi ang COVID hindi napapagod, hindi nagbabakasyon kapag Pasko at hindi natatakot kapag nagpaputok sa Bagong Taon.”

 

“Kapag hindi natin sinunod ang panuntunan ng DOH sa minimum health standard name-meligro ang ating pamilya.”

Other News
  • Steph Curry at Warriors tinambakan ang Nuggets

    Pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, kasabay din upang saksihan nila kung paano tinambakan ng kanilang team na Golden State Warriors ang bumibisitang Denver Nuggets.     Bago nagsimula ang game, nagbigay ng welcome address si Stephen Curry at hindi naman siya binigo upang […]

  • Ads September 8, 2022

  • 3 LRT 2 stations binuksan

    Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.   Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.   Ang […]