• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICHARD, makakatambal ni HEART sa ‘I Left My Heart In Sorsogon’

MUKHANG wish came true sa bagong Kapuso actor na si Richard Yap, na makatambal niya si Kapuso actress Heart Evangelista.

 

 

Nang ma-interview kasi si Richard nang bagong lipat pa lamang siya sa GMA Network, kung sinu-sino ang mga artistang babae na gusto niyang makatambal kapag gumawa na siya ng projects doon, nabanggit nga niya si Heart Evangelista, at Solenn Heussaff.

 

 

Ngayon ay nababalitang si Richard ang makakatambal ni Heart sa bago nitong gagawing weekly series na I Left My Heart In Sorsogon, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon in Bicol, na ang husband niyang si Chiz Escudero ang Governor doon.

 

 

Sa ngayon ay sunud-sunod pa ang TV guestings ni Richard sa mga shows ng GMA na iba-iba ang genre at kahit maikli lamang ang paggi-guest niya last Saturday sa Pepito Manaloto, naipakita pa rin niya na pwede nga rin siya sa comedy.

 

 

Samantala, last two weeks na lamang ang replay ng My Korean Jagiya na ginagampanan ni Heart at ng Korean actor na si Alexander Lee sa GMA Telebabad, napapanood ito Monday to Thursday, after ng Love of My Life.

 

 

***

 

 

NAG-POST si Kapuso actor Mark Herras sa Instagram niya last January 31 na nakaupo sa lap niya ang preggy partner niyang si Nicole Donesa na mukhang nagli-labor na, dahil ang caption ni Mark: Itchy I love you!! Alam ko nahihirapan ka pagod puyat pero malakas ka naman my Itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky!! Love you!!! Konting tiis na lang my love!!

 

 

Kasunod ngang post ni Mark, magkasama na ang mag-inang Nicole at ang baby boy nilang si Corky: “Name: Mark Fernando Donesa Herras Born: January 31, 2021 Weight: 7.3 lbs Length: 53cm Hi I’m Corky wassap! Very good job mammeeeh!!!”

 

 

Sunud-sunod naman ang pagbati ng ‘congratulations’ kina Mark at Nicole mula sa mga kapwa nila Kapuso. Congratulations!!!

 

 

***

 

 

SINO kaya sa dalawang engaged showbiz couple ang mauunang magpakasal?

 

 

Halos magkasunod na nagpakita ng kani-kanilang engagement video si Kapuso actress Glaiza de Castro with Irish fiancé David Rainey, shot in Ireland.

 

 

Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola naman ay kasama ang kanilang glam team na nag-shoot ng kanilang video sa paborito nilang lugar, ang Amanpulo Luxury Resort in Palawan.

 

 

Nakabalik na si Glaiza sa bansa pagkatapos ng one month vacation niya sa Ireland with the family of David at doon nga naganap ang kanilang engagement.

 

 

Now that she’s back, natanong na si Glaiza kung kailan daw naman magaganap ang wedding?

 

 

“Wala pa kaming date of wedding, pero napagplanuhan na namin na dalawang beses kaming magpapakasal,” sagot ni Glaiza sa interview sa Chika Minute’ ng 24 Oras.

 

 

Isa rito at isa sa Ireland. Iyon ay para parehong maka-attend ang respective family namin.  Sa panahon natin ngayon, mahirap ang magbiyahe sa ibang bansa, kaya gagawin ko muna ang bago kong project sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha, with Rayver Cruz.”

 

 

Favorite vacation place nga nina Luis at Jessy ang Amanpulo at doon nila sure gagawin ang kanilang wedding, pero wala pa rin silang sinabi kung kailan ang kasal.

 

 

Post lamang ni Jessy, “Soon! Soon than you expected!” (NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION

    THE DEPARTMENT of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday.     “This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga […]

  • Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP

    Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.   Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng […]

  • BARANGAY ELECTION, PINAGHAHANDAAN PA RIN NG COMELEC

    TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni  acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panukala ay   para magsagawa ng voters registration mula July 4 hanggang 30. […]