• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

One-seat-apart ipapatupad sa mga PUVs

PINAGUTOS ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang madaliang pagpapatupad ng one-seat-apart rule upang mapadami ang kasalukuyang capacity sa mga public utility vehicles (PUVs).

 

Kanya rin pinagutos ang pagkakaron ng mas maraming PUV routes at units upang maging operational at upang madaliin ang pagpapatupad ng service contracting ng mga buses at jeepneys upang mabigyan ng serbisyo ang mga commuters habang ipinatutupad ang mahigpit na health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Pinatupad ni President Duterte ang mga ito matapos na payagan ang recommendation na proposal ng Economic Development Cluster upang magkaron ng economic recovery.

 

Sa one-seat-apart na policy na pinayagan ipatupad, puwede lamang ito kung lalagyan ng barriers sa pagitan ng mga pasahero o di kaya ay ang paglalagay ng UV lights sa mga sasakyan.

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay maglalabas ng isang clarificatory memorandum circular na magpapaliwanag sa detalye ng one-seat-apart rule at ang paggamait ng mga measures upang mapadami ang capacity ng mga PUVs.

 

Inutusan din ni Tugade ang LTFRB na magbukas pa ng maramaing public transport routes para sa mga mas roadworthy units tulad ng para sa mga provincial at city buses kasama rin ang public utility jeepney (PUJs).

 

“I ordered the LTFRB to open up more public transport routes and authorize more roadworthy units, such as provincial and city buses, as well public utility jeepneys. I also ordered the agency to allow the operation of additional transport network vehicle services (TNVS), and taxis. Under the current policy, there is no cap on the number of additional taxis and TNVS units to be deployed as long as they are duly-accredited by the TNCs for purposes of contact tracing and more importantly, are compliant with public health protocols of set by IATF,” wika ni Tugade.

 

Inulit ni Tugade na kanyang sinusuportahan ang clamor para sa pagbabalik ng motorcycle taxis, subalit ito ay kinakailangan may Congress Resolution upang siyang magsilbing legal basis bago nila payagan na magpatuloy ng operasyon nito.

 

Ayon sa kanya, ito ay malaking tulong lalo na ngayon limitado pa din ang kapasidad ng pampublikong transportasyon. Kaya nga, basta may Congress Resolution na magiging legal basis ng DOTr upang magkaron sila ng operasyon, ito ay susuportahan namin. Kami ay susunod sa directive ng Congress at IATF para sa health at safety protocols.

 

Ganon din, inutusan ni Tugade ang LTFRB chief na bilisan ang paggawa ng guidelines para sa pagpapatupad ng Service contracting para sa mga buses at public utility jeepneys ngayon October upang bigyan ang mga operators at drivers ng steady source ng kanilang income.

 

Ang rail sector naman ay inutusan din na mag increase ng 50 percent mula sa dating 30 percent ng kanilang passenger capacity. At sa maritime sector, pinagutos naman niya na payagan na ang magkaron ng mas maraming Ro-Ro ferries at mas maraming flights upang mapagsilbihan ang mga tao.

 

Pinaalalahanan din ni Tugade na sumunod sa mahigpit na enforce- ment ng 7 Commandments sa loob ng mga PUVs na nirerekomenda ng mga health experts.

Other News
  • Veteran journo Dindo Amparo, nanumpa bilang hepe ng PBS-BBS

    OPISYAL nang nanumpa ang veteran broadcast journalist na si Fernando Sanga, mas kilala bilang Dindo Amparo, bilang bagong director general ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS).     Nanumpa si Sanga sa harap ni Communications Secretary Cesar Chavez sa isinagawang turnover ng liderato ni outgoing PBS-BBS chief Rizal Giovanni Aportadera, Miyerkules […]

  • Daily attack rate ng COVID-19 sa NCR, bumaba na – OCTA

    BUMABA  sa 93.82 percent ang  average daily attack rate (ADAR)  ng  COVID-19 sa National Ca­pital Region (NCR).     Gayunman, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Reserch Team na  bagama’t bumaba ang ADAR ay  nananatili pa ring nasa severe level ang NCR sa ngayon.     Ito ay indikasyon anya na ang NCR ay […]

  • Efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm, pasok sa benchmark ng WHO- Malakanyang

    PASOK sa benchmark ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac at SinoPharm kasunod nang agam agam na mababa ang efficacy rate ng mga bakuna na galing China sa kabila ng mahal nitong presyo. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman totoong mababa ang efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm dahil ang 50%efficacy rate […]