• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm, pasok sa benchmark ng WHO- Malakanyang

PASOK sa benchmark ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac at SinoPharm kasunod nang agam agam na mababa ang efficacy rate ng mga bakuna na galing China sa kabila ng mahal nitong presyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman totoong mababa ang efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm dahil ang 50%efficacy rate ay benchmark lamang ng WHO at base sa ilang pag aaral ng Chinese experts ay nasa 90% ang efficacy rate ng mga nabanggit na bakuna.

Aniya, normal lang sa ngayon na maglaban laban o siraan ang mga vaccine manufacturers dahil kita nila ang nakasalalay dito.

Nilinaw ni Sec. Roque na kukuha ang bansa ng bakuna kung saan mang bansa ito available.

Sa kasalukuyan, tanging ang China lamang ang makapag garantiya na mabibigyan tayo ng bakuna sa unang quarter ng 2021 dahil ang mga bakuna mula sa western countries ay darating pagsapit ng 2nd o 3rd quarter pa ng 2021.

Binigyang diin pa nito na ang mga bakuna na itinurok sa ilang sundalo na galing China ay libre o idinote lamang kung kaya’t hindi totoong mahal ang presyo ng mga bakuna na galing Tsina. (Daris Jose)

Other News
  • Ayon sa filmmaker na si Joe Russo: LIZA, scene-steller sa ‘Liza Frankenstein at future Superstar

    PINURI ng American director-producer na si Joe Russo ang Pinay aktres na si Liza Soberano matapos mapanood sa kanyang Hollywood debut film na “Liza Frankenstein”.     Sa X (dating Twitter) account ng direktor, ibinahagi nito ang kanyang opinyon tungkol sa pelikula:     “Movies like LISA FRANKENSTEIN can be great vehicles to break new […]

  • DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw ‘posible’ bago 2023 sa voluntary masking

    MAAARING  tumaas patungo sa 18,000 ang arawang COVID-19 cases bago matapos ang 2022 kasunod ng pagluluwag lalo ng face mask requirements, babala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes.     Ito ang sinabi ni Vergeire ilang araw matapos ianunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng […]

  • Lolo na wanted sa rape, timbog sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang 67-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.           Sa kanyang report may Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap […]