• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso

KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards.

 

Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures.

 

Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos nang posisyon ang bansa para mapaluwag pa ang restrictions subalit kadalasan ay ang behavior o ang pag-uugali ng publiko ang magtatakda nito kung susunod sa health protocols gaya ng pag-obserba sa physical distancing at pagsusuot ng face masks.

 

Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay sinabi ni Chua na di na kakayanin ng Pilipinas na mapahaba pa ang quarantine dahil nawalan na ng nasa P1.4 trilyon o P2.8 bilyong kada araw ang mga pamilya noong 2020 bunsod ng lockdown restrictions.

 

Malinaw na ang ibig sabihin lamang nito ay nasa P23,000 annual income loss ang naitala kada worker pero posibleng mas mataas pa para sa mga manggagawa sa hard-hit sectors.

 

Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ibabase nila ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa economic at health data. (Daris Jose)

Other News
  • Taal volcano, itinaas sa alert level 3 ng Phivolcs

    Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Taal volcano, nitong Huwebes ng hapon.     Nangyayari ito isang araw matapos kumpirmahin ng Phivolcs na “sulfur dioxide” mula Taal ang dahilan sa likod ng volcanic smog (vog) na nagpapalabo sa kapaligiran at hangin ng Metro Manila.     “This serves […]

  • Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

    Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.   Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.   Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga […]

  • GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing

    ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash.     Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent […]