• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.

 

Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.

 

Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga sa ruling party na kinaaniban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sinabi pa ni Munsayac, ipinasa na ni Senator Aquilino Pimentel III ang pamumuno sa kapwa nito senador para sa paghahanda ng partido sa 2022 national at local elections.

 

Tiniyak naman nito mahigpit na makikipag-ugnayan ang bagong lider ng partido sa kanilang chairman na si Pangulong Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • US Embassy sa Ukraine pansamantalang isasara

    INANUNSYO ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa.     Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing […]

  • Lahat ng Pinoy, ‘deserve’ ang equal access sa legal assistance – CHR

    DESERVE ng lahat ng mga Filipino partikular na ng ‘marginalized, disadvantaged, at vulnerable’ ang equal access sa legal assistance. Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) kasabay ng pagsuporta nito sa pagpapasa ng Senate Bill (SB) No. 2955, o mas kilala bilang “Hustisya Para sa Lahat Act (Justice For All Act).” Si Sen. […]

  • Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T

    MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang […]