• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ryan Garcia: Target kong ma-knockout ang ‘hero’ kong si Pacquiao

Hindi umano mag-aatubili ang American boxer na si Ryan Garcia na i-knockout ang kanyang “hero” na si Sen. Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang pinapangarap nitong laban kontra sa Fighting Senator.

 

 

Ayon kay Garcia, kahit ano pa mang klase ng laban ang mapagkakasunduan nila ni Pacquiao ay kanya raw sisikapin na mapatumba ang Pinoy ring icon.

 

 

“The fight is going to be a fight. Whether they named it an exhibition or a real certified match, I’m throwing punches like I’m trying to knock Manny Pacquiao out,” wika ni Garcia.

 

 

Sa ngayon kasi ay hindi pa malinaw kung tunay na professional bout o isa lamang exhibition match ang nilulutong laban.

 

 

Sa usapin naman ng timbang, naghayag ng kahandaan si Garcia na umakyat ng weight division kung ito raw ang gugustuhin ni Pacquiao.

 

 

Inihayag din ng unbeaten lightweight champion na babasag daw ng record ang magiging laban nila ni Pacquiao.

 

 

Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig ng kampo ni Pacquiao tungkol sa isyu.

Other News
  • Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY

    FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye.       Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang […]

  • MARTIN, nag-shine at hinangaan agad sa sneak-peek ng ‘Voltes V: Legacy’; goodluck na lang sa ‘Darna’ ni JANE kung itatapat

    SA Instagram post ng GMA Network sa unang araw ng Enero, inilabas na sneak-peek ng inaabangang Voltes V Legacy na paparating na ngayong 2022.     May caption ito na, “We proudly bring you an EXCLUSIVE sneak-peek of what @voltesvlegacy has been working on for the past few years!   “Join us and “V” together for one […]

  • Pribadong kumpanya, maaaring humirit ng ‘cost reimbursement’ sa gobyerno para sa biniling COVID-19 vaccine para sa pamilya ng mga empleyado

    PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang empleyado.   May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito.   “Ang polisiya po ng gobyerno, […]