• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxers bumida: ABAP, NSA of the Year sa PSA

PARARANGALAN ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Amateur Boxing Association sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang tatanggap ng National Sports Association of the Year.

 

Apat sa mga kilalang boksingero ng bansa ang naging dahilan ng karangalan na nakuha ng ABAP upang hirangin sa nasabing kategorya sa naturang awards night.

 

Si Nesthy Petecio, ang unang pangalan na nagbigay ng ingay nang kanyang kunin ang kampeonato sa world championships sa pamamgitan ng gintong medalya.

 

Ang 27-anyos ang naging pambato ng ABAP para sa matagumpay na kampanya nito sa AIBA Women’s World Boxing Championships na ginanap sa Ulan-Ude, Russia kung saan pinataob niya ang pambato nito na si Liudmila Vorontsova sa pamamgitan ng split decision para sa featherweight division.

 

Kasunod nito, bagama’t hindi nakakuha ng gintong medalya, nakuha naman ni Felix Eumir Marcial ang silver sa nasabi ring torneo para sa naman sa men’s event na ginanap naman sa Yekaterinburg sa Russia.

 

Gayunman kinilalala pa rin ang 24-anyos na tubong Lunzuran, Zamboanga City na si Marcial ilang ikatlong Pinoy na tumapos ng ikalawang puwesto sa prestihiyosong torneo na huling nakuha nina light-flyweight Roel Velasco noong 1997 at Harry Tanamor noong 2007.

 

Hindi rin matatawaran ang galing na ipinamalas ng dating world champion na si Josie Gabuco kung saan nag-uwi siya ng gintong medalya buhat sa Asian Boxing Confederation ASBC Elite Boxing Championships na ginanap naman sa Bangkok, Thailand kung saan pinatob naman niya si Kim Hyang Mi ng North Korea sa finals ng women’s light-flyweight category.

 

Si Gabuco ay naging kampeon din ng AIBA world women’s champion noong 2012 bago pa man nakuha ni Petecio ang nasabing parangalan noong nakaraang taon.

 

Sa pinagsanib na puwersa ng tatlong nabanggit na boksingero, nakuha din nila ang gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games upang maiambag sa overall title na nakuha ng buong Team Philippines.

 

Samantala, ang Team Philippines naman ang tatanghaling Athlete of the Year para sa nasabing gabi ng parangal na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, the Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine. (REC)

Other News
  • Jason Momoa, Reveals He Had A Hand In Writing Aquaman 2

    JASON Momoa, the former Game of Thrones star transformed into a superhero for 2016’s Batman v Superman: Dawn of Justice, where he made a quick cameo as Arthur Curry (aka Aquaman), reveals he had a hand in writing Aquaman 2.     He received a much bigger role in Justice League, but it was the 2018 solo project Aquaman that truly gave Momoa the […]

  • Fernando, muling ipinatupad ang curfew, liquor ban sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Simula ngayong araw, ipatutupad muli ng Lalawigan ng Bulacan ang oras ng curfew simula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga; at liquor ban sa buong lalawigan kabilang ang pagbebenta, pagbiyahe, at pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa paglalayong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.     Ayon […]

  • Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

    UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.       Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]