• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may 154 na drivers, 36 passengers at 22 pedestrians ang mga nasawi dahil sa motorcyles crashes noong 2019.

 

Isa sa mga factors na dahilan ng aksidente ng motorcycles ay ang human error dahil nawalan ng control at ang pag-inom ng alak habang nagmamaneho.

 

Ang naitalang motorcycle crash accidents parehas na fatal at non-fatal ay tumataas ng 31, 279 noong 2019 mula sa dating 26,652 noong 2018; 22,063 noong 2017; 21,403 noong 2016, at 18,668 noong 2015.

 

Mas maraming naitalang motorcycle crash incidents na nangyari sa Quezon City, sumunod ay sa Parañaque, Valenzuela, Caloocan at Manila.

 

Samantalang, mayroon naming 9,655 na drivers, 2,546 na pasahero, at 2,140 na pedestrians ang nasaktan dahil sa aksidente sa motorcycles.

 

Ayon pa rin sa report, mayroong 394 na persons ang namatay sa lansangan per 372 cases noong 2019 at nagkaroon ng slight improvement kumpara noong 2018 na naitalang 394 persons ang namatay per 383 cases.

 

Ibig sabihin ng per case basis ay ang number ng road crash at hindi ang number ng sasakyan o ‘di kaya ay taong kasama.

 

“This indicates that the traffic engineering programs and projects of MMDA towards road safety is very effective,” ayon sa report.

 

May naitala naman na total road crashes na 121,771 noong 2019 para sa lahat ng klaseng sasakyan na mas mataas sa 116,906 na figure noong 2018; at 110,025 noong 2017.

 

Mayroon namang 234 motorcycles ang dahilan ng fatal accidents, sumunod ang 98 na trucks, 80 cars at 40 public utility jeepneys mula sa kabuoang 574 na sasakyan.

 

Sa kabuoan, mayroong 118,522 na kotse ang sangkot sa aksidente na dahilan ng pagkamatay, nasaktan at nasira ng properties na bumubuo ng 50 percent mula sa lahat ng 235, 717 na sasakyan.

 

Kasunod nito ay ang 35,006 na motorcycles; 24,959 na vans, at 18,667 na trucks.

 

Samantalang, ang kabuoang road crashes para sa lahat ng klase noong nakaraang taon ay 121,771 mas mataas noong 2018 na 116,906 at 110,025 noong 2017. (LASACMAR)

Other News
  • WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON

    NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City.     Sa report […]

  • 56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat

    AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.     Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]

  • 24K TABLETS IPINAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE SA VALENZUELA

    PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya  at sekondarya sa lungsod.   “After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated […]