• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GMRC, IBALIK

IBA na talaga ang kabataan ngayon. Ang dating madaling kausap, mahirap nang intindihin. Kung gaano kahirap pangaralan, ganu’n naman kadaling maimpluwensiyahan.

 

Bagama’t, hindi naman kailangang lahatin, pero meron talagang mga pasaway at nakalimutan na ang kagandahang-asal. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang pagbabalik ng asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa elementarya at hayskul — sa pribado o pampublikong eskuwelahan man.

 

Sa ngayon, aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang nasabing panukala. Sa ilalim ng Comprehensive Values Education Act, ang mga estudyante sa primary level ay obligadong dumalo sa 30-minutong klase kada araw para sa GMRC.

 

Habang ang mga junior at senior high school naman ay may isang oras na klase sa values education dalawang beses kada linggo.

 

Kaugnay nito, sana, bigyan din ng pansin ang kakulangan sa mga guidance counselor. Sila ang pinakatamang tao para magbigay-gabay sa mga estudyante. Ang guidance counselor ang bumubuo ng guidance program na ipalalaganap sa buong paaralan kung saan magpapatupad sila ng iba’t ibang guidance services.

 

Ito ang solusyon sa iba’t ibang suliranin ng mag-aaral mula sa absenteeism, cutting classes, iligal na gawain, mental at emosyunal na kalusugan.

 

Bagama’t, naniniwala tayong ang kagandahang-asal ay nagsisimula sa bahay, hindi naman lahat ng bahay ay maituturing na tahanan. Hindi lahat ay may mapagmahal at responsableng mga magulang kaya may mga anak na sa ibang lugar at ibang tao hinahanap ang masasabing pamilya.

 

At ang eskuwelahan, bilang isa sa maituturing na pangalawang tahanan ay may pagkakataon na matulungan at magabayan ang kabataang nalilihis ng landas.

 

Ang kalahati o isang oras na pagkilala at pakikinig sa kanila ay napakalaking tulong na.

Other News
  • Pukpukan na sa UAAP 2nd round

    PAPASOK  na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round.     Kaya naman inaasahang mas magiging matin­ding bakbakan ang masi­silayan dahil unahan na ang lahat ng teams para ma­kapasok sa Final Four.     Magsisimula ang se­cond round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]

  • Fernandez humirit sa DBM

    NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon.     Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 […]

  • Pagbawi sa moratorium sa oil at gas exploration sa WPS, pag-exercise lang ng sovereign rights ng Pilipinas

    SINABI ni Energy Secretary Alfonso Cusi na in- exercise lamang ng Pilipinas ang sovereign rights nito nang bawiin ng pamahalaan ang moratorium sa oil at gas exploration sa tinaguriang resource rich West Philippine Sea, pinagtatalunang teritoryo.   Ani Cusi, ang pagbawi sa ban ay hindi nakapagpahina sa posisyon ng bansa sa maritime dispute.   “This […]