• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda

MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.

 

Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior team mula sa juniors.

 

Ayon kay team manager Jude Roque, kuntento ang Beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang taon.

 

“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” salamysay ni Roque sa pitak na ito.

 

“They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year,” panapos niyang pahayag.

 

Nasa magaan pang preparasyon ang Mendiola-based squad para sa nakatakdang magsimulang NCAA seniors hoops sa darating na Agosto 1.

 

Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang SBU Red Cubs upang talunin sakmalin ang Lyceum of the Philippine University-Cavite sa finals at kopoin ang titulo sa juniors division sa nagdaan taon.

 

May taas na 6-foot-3, nag average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa San Beda jrs.

 

Sige abangan natin kung may angas pa ang koponan.

Other News
  • Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

    https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.     Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa […]

  • PBBM sa DA: Streamline processes to lower prices

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na i-promote ang madaling pagnenegosyo sa bansa base sa kanilang pamamaraan partikular na ang pag-alias sa non-tariff barriers sa importasyon ng agricultural products, para maibaba ang presyo at tiyakin ang suplay. Inihayag ito ni Pangulo sa Administrative Order (AO) No. 20 na nilagdaan ni […]

  • PhilSys data, ligtas sa ilalim ng authentication program

    IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang  inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.     Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.     Ang […]