Romano, 3 pabibo sa LGBA series
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG pang bahid ang kartada (3-0) ng apat na sabungero sa pagbubukas ng 2020 Luzon Gamecock Breeder Association Cocker of the Year series nitong Biyernes sa Pasay City Cockpit.
Mga miyembro naman ng LGBA ang pupupog sa round two sa darating na Biyernes, Pebrero 21 samantalang sa Pebrero 28 ang grand finals ng pasabong na ito.
Ipinahayag nitong Linggo ni LGBA president Nick Crisostomo, na isang seven-cock derby ang opening leg na mga inaayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
Namamayagpag sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Hector Magpantay ng Hammer Dewormer, Boy Tanyag ng CRB at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores/ ng Team Jared Guadalupe.
Humihinga sa batok nila sa 2.5 pts. ang RM San Vicente entry at may 2.0 markers naman sina Tony Antonio, Joseph Chua, Rey Magbuhos, Jimmy Junsay, Jimmy Gosiaco, Jun Sevilla, Doc Ayong Lorenzo, KMC brothers, Wilson Go, Bok de Jesus, Gerry Escalona at Rep. JB Bernos.
Makipag-ugnayan kina Erica at Ace sa 0945 4917474, 0939 4724206, 8843 1746 at sa 8816 6750 para sa iba pang mga detalye. (REC)
-
LRT-1 tigil biyahe sa Disyembre 3-4
INIANUNSYO kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ititigil muna nila ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo, Sa abiso ng LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindihin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend […]
-
Ads July 23, 2020
-
NATO duda na umalis na ang mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine
DUDA si North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg na pinaatras na ng Russia ng ilang sundalo nila na unang itinaglaga sa border nila ng Ukraine. Sinabi nito na patuloy ang kanilang gagawing defensive strategy sa ilang bahagi ng Europe. Hindi rin aniya sila nagsasawa na hikayatin ang Russia […]