• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRT-1 tigil biyahe sa Disyembre 3-4

INIANUNSYO kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na ititigil muna nila ang pagbiyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Disyembre 3, Sabado, at Disyembre 4, Linggo,

 

 

Sa abiso ng LRMC, na siyang private operator ng LRT-1, pansamantalang sususpindihin ang operasyon ng rail line sa susunod na weekend upang bigyang-daan ang reintegrasyon ng LRT-1 Roosevelt Station sa 19 pa nitong operational stations mula Baclaran, sa Parañaque City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

 

 

Ayon sa LRMC, magsasagawa sila ng readiness tests, trial runs, at exercises sa linya ng LRT-1 upang ma-check kung maayos ang integrasyon ng Roose­velt area sa ilalim ng bagong Alstom signaling system.

 

 

Sa sandaling matiyak na katanggap-tanggap ang resulta ng isasagawa nilang operational exercises sa linya, target ng LRMC na maibalik ang commercial operation ng LRT-1 mula Baclaran Station hanggang LRT-1 Roosevelt Station sa Disyembre 5, Lunes.

 

 

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni LRMC chief operating officer Rolando Paulino III ang kanilang mga parokyano na pla­nuhin na ang kanilang biyahe para sa susunod na weekend at manatiling nakatutok sa mga updates sa pagbabalik ng kanilang operasyon.

 

 

Tiniyak din niya na ang pansamantalang inconvenience na kanilang mararanasan ay magreresulta naman sa mas mahabang benepisyo para sa mga commuters.

 

 

“We assure the public that once reopening is confirmed, LRMC is ready to serve our LRT-1 passengers adding Roosevelt Station to our existing ope­rational stations,” aniya pa.

 

 

Una nang isinara ang Roosevelt Station simula noong Setyembre 5, 2020 dahil sa konstruksiyon ng Common Station na idurugtong doon.

 

 

Ang Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS), ay ang proyekto ng gobyerno na naglalayong ikonekta sa isa’t isa ang mga sistema ng LRT-1, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Line 7 (MRT-7) para mapadali ang paglipat ng mga commuters sa mga naturang rail lines.

Other News
  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]

  • Walk-in office ng DFA mananatiling sarado hanggang sa katapusan ng Abril

    Mananatiling sarado ang walk-in office para sa referrals ng assistance-to-nationals (ATN) cases sa Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA OUMWA) hanggang Abril 30.     Sa isang abiso, inihayag ng DFA ang pansamantalang suspensyon sa kanilang operasyon matapos ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa […]

  • Ikatlong paghaharap nina McGregor at Poirier plantsado na

    Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor na ang trilogy nila ni dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier.     Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na ang tapos na ang kontrata para sa ikatlong paghaharap nila.     Gaganapin aniya ang laban sa Hulyo 10.     Unang naglaban ang dalawa noong 2014 kung saan […]