• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAHIRAPAN, MALALA SA VIRUS

MAHIGIT limang milyong manggagawa sa bansa ang apektado ng coronavirus disease (COVID-19), kabilang sila sa mga nagtatrabaho sa in-dustriya ng turismo.

 

Napag-alaman na marami na ang nagkansela ng hotel bookings sa iba’t ibang tourism destination sa Pilipinas. Pinakamatinding apektado ang isla ng Boracay kung saan aabot nang hanggang 60 porsiyento sa mga hotel booking ang kinansela ng mga turista.

 

Pumapangalawa ang Bohol, na isa sa mga lugar na binisita ng ikalawang confirmed case ng COVID-19 sa bansa.
Ang mga hotel naman sa Cebu ay lugi na umano ng P100 milyon mula nang ipinatupad ang travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.

 

Samantala, may mga kumpanyang specialized sa China markets ang pansamantalang hindi muna nag-o-operate habang may ilan naman na tuluyan nang nagsara.

 

At sa mahigit limang milyong manggagawa, isipin na lang natin kung gaano pa karami ang pamilyang apektado. Paano na ang pang-araw-araw na pagkain, gastos sa eskuwela at iba pang pangangailangan?

 

Malinaw na hindi lang COVID-19 ang dapat nating labanan kundi maging ang banta ng kahirapan.

 

Kailangan nang makaisip ng mga alternatibong mapag-kakakitaan. Hindi naman problema ang abilidad dahil likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Ang kailangan lang sa ngayon ay oportunidad at suporta mula sa ating gobyerno.

Other News
  • Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

    SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.     Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s […]

  • Ten years na silang magkasama: VIN, dasal palagi na ‘di mangyari sa kanila ni SOPHIE ang nangyari kina ALJUR at Kylie

    READY na raw ni Juancho Trivino ang pagdating ng second baby nila ng misis na si Joyce Pring.   Malapit-lapit na raw ang due date ni Joyce, kaya all hands on deck sila para maayos ang lahat sa pagdating ng second angel nila.   “Lahat ng makakaya naming gawin as of now pa lang, ginagawa […]

  • Naka-move on na sa pagkatalo sa ‘Miss Universe’: CELESTE, mas gusto na maging kontrabida sa TV at pelikula

    ANG maging kontrabida ang siyang gustong gawin ng bagong Sparkle artists na si Celeste Cortesi.       Ayon ng former Miss Universe Philippines 2022, mas mukha raw mag-enjoy siya sa pagganap bilang kontrabida sa TV o pelikula. Kaya gusto raw niyang mag-acting workshop para mas marami siyang malaman sa pag-arte.       Inamin […]