• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho

Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention.

 

Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng naturang tanggapan ay nakasaad na 61 mula sa kabuuang 91 maritime schools sa bansa ang inirekomendang ipasara.

 

Dahil ito sa pagiging non-compliance sa itinakdang standards ng STCW convention na sumasaklaw sa maritime education, training at certification.

 

Ayon sa kongresista, ang Pilipinas ay kasalukuyang isinailalim sa audit ng European Maritime Safety Agency (EMSA) para sa STCW compliance at oras na ito’y madiskubre, tiyak malalagay sa panganib ang trabaho ng libo-libong seafarer dahil maaring hindi na kilalanin at tanggapin ng European Union ang certificate ng Filipino seafarer.

 

Naniniwala si Gonzalez na ang Commission on Higher Education at MARINA ang may responsibilidad sa mga maritime school alinsunod sa Executive Order No. 63, Series of 2018.

 

Dahil dito, magpapatawag ng imbestigasyon si Gonzalez ukol sa usapin.

Other News
  • 45M Filipino fully vaccinated laban sa COVID-19- Nograles

    PUMALO na sa 45 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19.   Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.”   Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang […]

  • Pedicab driver buking sa shabu

    Kulong ang isang 42-anyos na pedicab driver matapos mabisto ang dala nitong shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil walang suot na face mask sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnold Barrios alya “Anot” , 42 ng Kadamay St., […]

  • Cast and Crew of ’Spider-Man 3’, Pestering Marvel for a Special Screening of ’Black Widow’

    ACCORDING to Tom Holland, the cast and crew of Spider-Man: No Way Home is “pestering” Marvel Studios for a special screening of Black Widow.      The Scarlet Johansson’s solo film, is the first installment in Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe.     As filming winds down on the Spider-Man threequel swinging into theaters in December — bringing […]