Badyet sa bubble inaaral – Marcial
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
PAG-UUKULAN nang malaking halaga ang ligtas na kukuning bubble venue ng Philippine Basketball Association (PBA) kapag muling binuksan ang 45th Philippine Cup 2020 sa papasok na buwan.
May limang hotel ang kinukunsiderang bubble ng propesyonal na liga ang nagbigay ng presentasyon kay Commissioner ilfrido ‘Willie’ Marcial.
“Iko-consider namin lahat ng proposals, then saka kami gagawa ng presentation sa Board in the next meeting,” pahayag ng opisyal nitong Biyernes.
Ang mga pinagpilipian ay ang Clark sa Angeles City, Subic Freeport Zone sa Olongapo City, Inspire Sports Academy sa Calamba City, Big Dome sa Quezon City at Baguio City.
Dinagdag ng komisyoner na pinakamaagang itatagal ng bubble ang dalawang buwan kaya inaaral pa ang malaking gastos.
Bukod sa eksklusibong pagggamit sa playing venues at gyms, may akomodasyon pa sa hotel na para sa 350-400 personnel na kabibilangan ng players, coaching at support staffs, TV crews at mga tauhan ng liga.
Bokya sa kita ang liga mula nang itinigil ang season-opening conference nitong Marso 11 dahil sa coronavirus disease 2019.
“’Yun ang pag-uusapan pa, ang gastos,” hirit ni Marcial. “Baka hindi kayanin lahat ng PBA, kaya baka mag-share sa gastos ang teams.”
Una rin sa bubble venue ang medical facilities na malapit dito para may pagdadalahan agad sakaling may maaksidente, may ma-injury o magka-COVID-19.
“Hangga’t maaari, ayaw naming lumabas pa ng site o complex para sa immediate medical attention at saka less ang risk of infection kesa kung mahaba biyahe ng pasyente,” pang wakas ni Marcial. (REC)
-
PBBM, nakakuha ng P9.8-billion investment pledges
TINATAYANG umabot sa P9.8 billion ang investment na pledged na nakuha ng Pilipinas sa kamakailan lamang na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapwa niya world leaders at European business officials sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at European Union (ASEAN-EU) sa Belgium. Si Pangulong Marcos, kasama […]
-
P1.3-T economic stimulus, baseline PCR testing target aprubahan ng Kamara sa 3rd reading ngayong linggo
Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo ang ilang panukalang batas na mahalaga para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 at sa epekto ng krisis na dulot nito sa ekonomiya ng bansa. Kagabi, inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6185, o ang P1.3-trillion proposed Accelerated […]
-
Fighting Maroons, haharabas sa abroad
SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]