• January 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABS-CBN bias, Cayetano kalma lang sa franchise renewal

Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bias ang ABS-CBN kaya dinidinig sa Kongreso ang kanilang franchise renewal na mapapaso na sa Marso 2020.

 

“Walang doubt na institusyon ang ABS-CBN. Walang doubt na napakalaki ng naitulong sa ating bansa. Pero wala ring doubt na may mga issues, kaya nga sinabing ABias-CBN,” ayon kay Cayetano.

 

Paliwanag pa ni Cayetano, hindi umano nila prayoridad ang franchise renewal ng ABS-CBN lalo’t may mas mahalaga pang mga bill na dapat pag-usapan.

 

Ayon pa, kung magsimula na ang pag-usisa sa ABS-CBN franchise renewal ay magpo-pokus ang mga kongresista sa nasabing bill dahil nais nilang makapagbigay ng opinyon ukol dito.

 

“Kung gusto kong mag-grandstand, papatawag ako ng hearing agad…Pero is it the right timing? Tayo ba lahat nasa right frame ng mind ngayon o may mainit ng ulo pa?”

 

“Hindi [ito] ganoon ka-urgent. Bakit? Kasi hanggang March 2022, pwedeng mag-operate,” saad nito.

 

Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III at Rep. Tonypet Albano na kahit mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, ay pwede pa silang mag-operate hanggang 2022 sa pagtatapos ng 18th Congress hanggang may bill para sa kanilang renewal.

Other News
  • Bolick virtual fan lang muna ng NP

    MAGSISILBI munang virtual fan lang ng NorthPort si Robert Lee Bolick, Jr. sa kampanya ng Batang Pier sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup elimination sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.   Gustuhin mang makipag- patintero muli sa hard court, hindi pa pupuwede dahil hindi pa […]

  • De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

    SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.     Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.     […]

  • Paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, malaking factor ang gagawing serye with PIOLO

    ILAN sa lumalabas na balita kung bakit daw lumipat ng ABS-CBN si Lovi Poe mula sa GMA-7, nandiyang hindi na ito ni-renew ng Kapuso network.     Meron din na hindi raw ito pumayag dahil mas mababa ang offer sa renewal of contract niya, kumpara sa nakaraan.     Pero ano man ang dahilan, siguro […]