• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bolick virtual fan lang muna ng NP

MAGSISILBI munang virtual fan lang ng NorthPort si Robert Lee Bolick, Jr. sa kampanya ng Batang Pier sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup elimination sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

 

Gustuhin mang makipag- patintero muli sa hard court, hindi pa pupuwede dahil hindi pa tapos ang rehabilitasyon ng injured knee ng 25-anyos, 6-1 ang taas na point guard.

 

Sa katunayan wala ang sophomore sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble, nagpaiwan sa Maynila para makumpleto ang therapy sa pinapagaling na injury na nakuha October noong isang taon sa Governors’ Cup.

 

Sa first game ng Batang Pier nitong Lunes kontra Blackwater, kasama ang combo guard sa virtual fans na nasa malaking monitor sa gilid ng court sa AUFSACC.

 

Nahagip ng camera si Bolick, nakahiga. Parang salubong pa ang kilay niya.

 

Siguro ay naiisip ng kamador na dapat ay naroon siya, tumutulong sa team.

 

Pinanood lang ni Bolick ang Batang Pier na masaklap na natisod sa Blackwater via 96-89 decision. (REC)

Other News
  • Ads August 25, 2022

  • Pribadong sektor, kinukunsidera na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado

    KINUKUNSIDERA ngayon ng pribadong sektor na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado.   “Ang vaccination level of acceptance dito sa private sector, ang taas, umaabot ng 90 to 100%…So now what we’re telling them, bakunahan na rin namin ‘yung mga anak ng empleyado namin,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion sa Laging Handa public briefing, araw ng […]

  • 6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief

    IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa.   Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.   “Ang mga kawani ng Kagawaran […]