• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.

 

Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.

 

Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police Community Precinct 11, bigla na lamang umandar ng mabilis ang kulay itim na Toyota Fortuner at nasagasaan ang mga naglalakad. Inararo rin nito ang apat na motorsiklo, isang e-bike at 3 card ng mga vendor.

 

Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng 6 na babae at 4 na lalaki ay pawang dinala sa San Juan De Dios Hospital. Tatlo sa kanila ay malubha ang kondisyon.

 

Nasa presinto naman na ang driver ng SUV na si Allan Respecia na nagsabing bigla na lamang nag-accelerate ang kaniyang sasakyan.

 

Sinabi ni Soriano na malinaw na human error ang sanhi ng aksidente dahil sa halip na preno ay maaring silinyardor ng sasakyan ang naapakan ng driver.

 

Mahaharap si Respecia sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property (Daris Jose)

Other News
  • Nag-iyakan at niyakap sa muli nilang pagkikita: CITA, sinorpresa ang cast ng ‘Home Along Da Riles’ na nag-reunion

    MULING nagkaroon ng reunion ang cast ng ‘90s sitcom na ‘Homes Along Da Riles.’ This time ay nasorpresa sila sa biglang pagdating ni Cita Astals.   Nag-iyakan at niyakap si Cita nina Claudine Barretto, Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph Quizon, Gio Alvarez, Boy 2 Quizon at Maybelyn dela Cruz. Makikita sa mukha ni Cita ang […]

  • Villarito ‘di takot sa bomba

    NALILIBANG si national women’s javelin throw record holder Rosie Villarito sa patuloy na military training habang wala pang kasiguruhan ang practice ng mga national athlete dahil sa coronavirus disease 2019.   Pinakahuling destino ng 40-anyos na tubong Cauayan, Negros Occidental  at military athlete sa palipat-lipat na division sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang pagiging kasapi […]

  • Gobernador ng Bulacan, pinasinayaan ang bagong gusali ng blood center at public health office

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical […]