300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).
Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.
Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng COVID-19 patient.
Katulong daw ng mga ito ang gobyerno sa pagmomonitor ng kanilang kondisyon.
Nago-opisina raw ang mga ito sa 43rd floor ng isang gusali.
Nananatili naman umano ang Singaporean government sa pangako nitong magsu-supply ng pagkain at pangangailangan ng mga apektadong residente.
Batay sa latest update ng pamahalaan, 47 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.
-
Baka magselos si Carmina: DINA, game na game na maka-partner si ZOREN
WALA si Dina Bonnevie sa pagsisimula sa ere ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ noong September 2022, karagdagan lamang nitong unang linggo ng Abril 2023 ang karakter niya bilang si Giselle Tanyag sa top-rating series ng GMA. Nagkarooon ba ng thinking si Dina na sana, sa umpisa pa lang ay napasama na siya o masaya naman […]
-
PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila
BILANG bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte ng nakumpiskang smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes. “Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – […]
-
Thompson hinirang na PBA MVP
KAGAYA ng inaasahan, napasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards. Kumolekta ang 28-anyos na produkto ng Perpetual Altas ng 2,836 points para maging ikalawang Ginebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Caguioa noong 2012. […]