• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.

 

Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian Cruz Balmaseda 2016.

 

Pangunahing tinalakay dito ang politikal na impluwensiya, ugnayan at tunggalian ng Estado, Simbahan, at prinsipalya sa prosesong elektoral – sa pagpili ng gobernadorsilyo. Sa kabuan, ang kanyang disertasyon ay pag-aaral sa kasaysayan at kultura ng pagpili ng pinuno sa mga bayan ng Lalawigan ng Tayabas mula 1846 hanggang 1898.
Nagtapos si Dr. Gilbert E. Macarandang ng doktorado sa Araling Filipinas (Philippine Studies) sa Pamantasang De La Salle-Manila. Sa kasalukuyan siyang nagtuturo ng kasaysayan sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas.

 

Pinagpupugayan ng KWF si Balmaseda bilang nangungunang makata, kritiko, at iskolar ng wika at kulturang Filipino. Naglingkod din siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa kilala bilang KWF ngayon.

 

Ang paglalathala at pagsusulat ng mga saliksik na nagtatampok sa paggamit ng wikang Filipino ay repleksiyon ng mataas na pagkilala hindi lang kay Julian Cruz Balmaseda kundi sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan.

 

Maaaring makabili ng kopya ng librong ito sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/P Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang 2 groundbreaking rites para sa 20K housing units para sa mga residente ng CamSur

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mahigit sa 20,000 housing units para sa mga residente ng Camarines Sur bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.     “Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin […]

  • Gonzales, Rungkat umabot sa double quarterfinals sa Japan tournament

    Nagwagi sina fourth seeds Ruben Gonzales ng Pilipinas at Christopher Rungkat ng Indonesia sa kanilang opening-round doubles match sa Unicharm Trophy Ehime International Tennis Open sa Matsuyama, Japan noong Miyerkules.   Sina Gonzales at Rungkat na nakabase sa US ay nag-rally kay Rinky Hijikata ng Australia at Yu Hsiou Hsu ng Chinese Taipei, 6-4, 3-6, […]

  • Miles, agaw-eksena ang kahusayan sa maaksyong pilot episode: Celebrity screening ng ‘Batang Quiapo’ nina COCO, suportado ng mga big stars

    KAHAPON, ika-7 ng Pebrero, ginanap ang star-studded celebrity screening ng inaabangang primetime series na ABS-CBN series na “Batang Quiapo” sa TriNoma Cinema 7. Pinangunahan ito ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at ng kanyang newest leading lady na si Supreme Actress Lovi Poe kasama sina Ms. Charo Santos-Concio, John Estrada, at Cherry Pie […]