• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Partial operation ang LRT 1 extension sa susunod na taon, tiniyak

NAKIKITA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magkakaroon ng partial operation ang Light Rail Transit Line 1 Extension Project sa susunod na taon habang ang pamahalaan ay nangako na magkakaroon ng full delivery ng right-of-way.

 

Sinabi ni LRMC president at CEO Juan Alfonso na ang project ay may 33 percent completed na samantalang ang right-of-way naman ay may 90 percent ng cleared.

 

“The progress is going well and so far construction flow is doing good. For the right-of-way, it is almost complete. There are just issues being addressed on some of the stations, but I think we have solutions there,” wika ni Alfonso.
Ayon pa rin kay Alfonso, may darating na 30 train sets sa third quarter ng taon na galing sa Spain para sa P65.1 billion na LRT 1 extension project. Nagkaroon ng groundbreaking ceremony ng LRT 1 Cavite Extension noong Mayo 2017 subalit ang actual construction ay nagsimula matapos ang dalawang taon dahil sa mga issue sa righ-of-way.
Nagsimula naman ang actual na construction nang nakaraang Mayo 2019 dahil sa mga nangyayaring developments sa construction, tiniyak naman ni Alfonso na magagawa nilang magkaroon ng partial operation sa susunod na taon.
Inaasahan naman ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng partial operation sa section ng Baclaran papuntang Dr. Santos sa Parañaque.

 

“The DOTr is pushing us to finish as early as possible so I think it is doable based on the timelines. They requested to finish by next year. We are coordinating with them, and we’re working with them so that we can deliver it by next year,” dagdag ni Alfonso.

 

Naglalayon ang 11.7 kilometer LRT 1 extension project na mabawasan ang travel time mula Baclaran papuntang Bacoor na dating higit sa isang oras upang maging 25 minutes na lamang.

 

Mula sa Baclaran, magkakaroon ito ng walong stations, ang mga ito ay ang mga sumusunod: Redemptorists, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote, at Niog. Kung kaya’t magkakaroon ito ng kabuoang 28 stations mula sa dating 20 stations lamang.

 

Ang Phase 1 ay mayroon pitong kilometers kung saan kasama ang stations ng Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, at Dr. Santos. Ang LRT 1 extension project ay babagtas ng 33 kilometers mula sa Rooseveltstation sa Quezon City hanggang sa Niog, Bacoor sa Cavite.

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd., ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.

 

Binigyan naman ng commendation ang LRMC ng DOTr dahil sa progress na nagaganap sa patuloy na construction ng LRT 1 extension. (LASACMAR)

Other News
  • Kung si Barbie ang Primetime Princess ng GMA: SHAYNE, nagulat nang ipinakilalang ‘Afternoon Prime Drama Princess’

    SI Barbie Forteza ang kinikilalang Kapuso Primetime Drama Princess, ngayon, si Shayne Sava, ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, ay siya namang tinaguriang GMA Afternoon Prime Drama Princess.     Ikinagulat ito ni Shayne nang i-introduce siya sa zoom mediacon ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama Princess sa ganoong title.  Hindi raw siya makapaniwala.     […]

  • Nag-viral na video ni Kapitana, idinulog kay Mayora

    PINASISILIP ng ilang residente kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang umano’y walang habas na pagmumura at paninigaw  ng isang Kapitana ng isang  barangay sa mga kabataan sa Brgy. East Rembo.     Ito ay makaraang nag-viral ang isang video na inupload ng isang anonymous sender kung saan nagkaroon ng iringan  sa pagitan ng Kapitana […]

  • Vacation service credits ng mga guro, itinaas pa sa isang buwan

    DINODOBLE pa ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits ng mga guro sa 30 araw.     Ipinaliwanag ng ahensya ang mga service credit, kung saan nagbibigay-daan ito sa mga guro na i-offset ang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga bawas sa suweldo sa panahon […]