Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines.
Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng Pilipinas.
Ayon sa obispo, hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino na ang ilan ay hindi pa rin nakakapasok o tuluyan ng walang papasukang trabaho.
Una na ng inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mungkahing ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga small and medium enterprises dahil sa epekto ng krisis sa maliit na mamumuhunan.
Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang pagbibigay ng suporta sa mga kawani upang ipanawagan ang pagtutol na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay.
Tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya base na rin sa pag-aaral ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP). (Gene Adusara)
-
Ads March 15, 2021
-
Medical research vs pandemya prayoridad ni BBM
Naniniwala ang nangungunang Presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat na mas malaking budget ang ilaan ng bansa para sa pananaliksik o scientific research para sa higit na kahandaan ng bansa sa mga medical emergency katulad ngayong mayroong pandemyang nararanasan ang Pilipinas. Patunay nito ani Marcos, na siyang standard-bearer […]
-
Pakikiramay buhos pa rin sa pagkasawi ni Mervin Guarte
PATULOY ang pagbuhos ng pakikiramay at pakikidalamhati matapos ang pagkasawi ng atletang si Mervin Guarte. Si Guarte ay pinagsasaksak habang natutulog sa bahay ng kaibigan nito sa Calapan City, Oriental Mindoro ng Martes ng madaling araw. Nanguna ang Philippine Sports Commission na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Guartekung saan inalala nila ang kaniyang tagumpay […]