• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 16th, 2020

Ads October 16, 2020

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Erram, 2 pa gigisahin ni Marcial

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA kumukulong mantika ngayon sina TNT forward John Paul (Poy) Erram NLEX center Joseph Ronald (JR) Quiñahan at John Rodney Brondial ng Alaska Milk dahil sa technical at flagrant fouls na kinatalsik nila sa unang laro sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Linggo nang ma-eject agad ang kaya pinatawag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. Pero hindi muna binunyag ng opisyal ang magiging parusa o multa sa dalawa habang hindi pa nakukuha ang mga panig ng isa’t- isa.

 

Maaga pa para pag-usapan aniya ang sanctions, ayon kay Marcial sa Philippine Sports- writers Association o PSA Forum webcast kamakalawa na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restau- rant, at PAGCOR, kasama ang Upstream Media bilang official webcast partner at pinalakas ng Smart.

 

Pinatalsik si Erram sa game dahil sa technical foul makaraan ang flagrant foul penalty 1 sa laro kontra Aces. Gayundin si Quinahan sa laban ng Road Warriors kontra Barangay Ginebra San Miguel. Naging maganda ang pasok niya sa ambag na 26 points sa 102-92 pagkalango ng Road Warriors sa Gin Kings.

 

Umiskor lang ng 4 pts., 8 boards at 6 assists si Erram sa pagpapadapa ng Tropang Gida sa Alaska Milk, 100-95. Nakalimang puntos at apat na rebound si Brondial. (REC)

DBM, handang tugunan ang anumang kinakailangan ng Senado at Kamara para agad na maratipikahan ang 2021 national budget

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa kung ano pa ang mga pupuwedeng nilang maitulong sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso para mapadali ang proseso ng pagpasa ng 2021 national budget.

 

Kinikilala ng dbm ang pagsisikap ng Senado at Kongreso na matulungan ang gobyerno sa pamamagitan Ng pagpasa sa tamang oras ng panukalang national budget para masiguro na hindi na muling gumamit ang bansa ng reenacted budget.

 

Sa malacanan briefing, sinabi ni budget Sec. Wendell avisado, na umaasa sila na sa mga ginagawang hakbang ng mga mambabatas ay agad nang mararatipikahan ang 2021 Proposed national budget.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ngayong naresolba na ang leadership issue sa mababang kapulungan ng kongreso, ay umaasa siya na maipapasa ng hanggang sa biyernes sa 3rd and final reading ang 2021 national budget.

Mababang bilang ng pasahero, inaasahan hanggang katapusan ng taon

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Bureau of immigration (BI) ang mababang bilang ng mga padating na pasahero haggang sa katapusan ng taon.

 

Sa datos ng BI, umabot lamang sa kabuuang 3.5 milyon na pasahero ang dumating mula January to September kumpara sa 13 milion sa kaparehas na taon.

 

“If you look at the figures, it starts with a strong 1.7 million arrival in January, then drops to less than 500,000 in March, and slumps to a mere 25,000 in April,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

 

Iniuugnay ang mababang bilang ng pasahero sa COVID 19 kung saan nagpatupad ng travel restrictions hid lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

 

Ayon sa report ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), travel at tourism ang higit na naapetuhan na sector dahil sa pandemic kung saan 58% hanggang 78% international tourist arrivals worldwide ang ibinaba nito sa taon na ito.

 

Ayon sa BI, bago ang deklarasyon ng COVID 19, Enero pa lamang ay sinuspinde na ang issuance ng Visa Upon Arrival facility, at February nang nag-isyu ng travel ban sa mga dayuhan galing China at ang special administrative regions hanggang sa pinalawak pa ito.

 

“We are optimistic and expect the numbers to pick up in 2021, hopefully when we see an end to this pandemic,” ayon kay Morente.

 

Ito ay kasunod din sa statement ng UNWTO na ang international travel ay makakarekober sa susunod na taon.

 

“We are ready to implement any changes in the travel restrictions imposed by the IATF (Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” said Morente. “We trust their wisdom, and our men are on standby to serve international travelers in our airports and seaports,” dagdag pa ni Morente. (Gene Adsuara)

Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.

 

Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.

 

Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng Japanese Olympic swim team matapos aminin ang pakikiapid.

 

Paglilinaw ng Japan Swimming Federation na maaari pa rin itong makasali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

 

Nagwagi si Seto ng 400m individual medley bronze sa Rio Olympics noong 2016. Siya ang kasalukuyang 200m at 400m individual medley world champion.

Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines.

 

Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng Pilipinas.

 

Ayon sa obispo, hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino na ang ilan ay hindi pa rin nakakapasok o tuluyan ng walang papasukang trabaho.

 

Una na ng inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mungkahing ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga small and medium enterprises dahil sa epekto ng krisis sa maliit na mamumuhunan.

 

Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang pagbibigay ng suporta sa mga kawani upang ipanawagan ang pagtutol na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay.

 

Tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya base na rin sa pag-aaral ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP). (Gene Adusara)

Billy, pinararating na gusto lang nilang maka-inspire at makatulong

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG nasa TV5 na si Billy Crawford ay dalawa agad ang shows niya, ang daily na Lunch Out Loud at weekend Masked Singer Pilipinas na parehong produced ng Brightlight Productions.

 

Kaya parang wala namang nabago sa trabaho ni Billy d dahil nu’ng nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas Got Talent at ASAP Natiin ‘To) niya at isang daily at weekends pa kaya nga tinutukso siya noon na laman siya ng telebisyon.

 

Noong wala pa silang anak ni Coleen Garcia-Crawford ay puwede ang maraming shows, pero ngayong may anak na sila at si Billy ang duty sa gabi ay paano niya hahatiin ang oras para sa anak, asawa at sa trabaho.

 

Sa virtual mediacon ng ‘Bigger Better BER-months’ para sa Lunch Out Loud ay ipinaliwanag ni Billy ay napagplanuhan na niya kung paano aayusin ang oras niya.

 

“Ang pinakaimportante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.

 

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang du’n, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

 

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para matawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

 

Usaping It’s Showtime ay hindi maiwasang hindi tanungin si Billy na sa ayaw at sa gusto niya ay makakatapat niya ang dati niyang programa lalo’t nasa Free TV na rin ngayon sa A2Z Channel 11.

 

“We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkumpetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang ‘Eat Bulaga’, pati na rin ang ‘It’s Showtime’.

 

“We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming iparatingin sa buong mundo na unity is more important and humility,”katwiran ni Billy.

 

Anyway, bukod kay Billy ay kasama rin sina Bayani Agbayani, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, Macoy Dubs at Alex Gonzaga, sa Lunch Out Loud na mapapanood na sa TV5 simula sa Lunes (October 19) hanggang Sabado. (REGGEE BONOAN)

Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.

 

Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.

 

Nais rin kasi ni Marcial na makasama sa training si coach Don Abnett ang ABAP coaching consultant at boxing head coach Ronald Chavez.

 

Bilang respeto rin aniya ay nararapat na kasama ang mga ABAP boxing coach dahil nalalapit na rin aniya ang Tokyo Olympics.

 

Kabilang kasi ang middle- weight boxer sa Olympic qualifiers kasama ang boksingerong si Irish Magno, pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.

 

Magugunitang noong Hulyo ay nagdesisyon itong maging professional subalit nangako ito na hindi niya tatalikuran ang pagsabak sa Olympics.

PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko.

 

Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations.

 

“It was an appeal to them that the President should be given the leeway to decide, to make the correct decisions without being influenced by public opinion,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Of course, you generate public opinion if you publicly make known your recommendations. Of course, we cannot stop them but it was an appeal to them after I express our appreciation for what they have done,” ang pahayag nito

 

Sa ulat, sinabi ni OCTA research team member Guido David na kinukunsidera nila ang kanilang policy recommendations bilang bahagi ng public service.

 

Giit nito na hindi sila binabayaran ng pamahalaan para gawin ito.

 

Madalas na gumagawa ang Pangulo ng kanyang desisyon ukol sa pagtugon sa COVID-19 kabilang na ang pagpataw o pagpapairal ng lockdown, base sa inputs ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infec- tious Diseases (IATF), na pinamumunuan ni Health Secretary Francisco Duque III.

 

Nauna rito, hinikayat ng Malakanyang ang mga eksperto ng University of the Philippines na iwasan ang pagsasahimpapawid ng kanilang mga suhestiyon hinggil sa pandemic lockdowns at sa halip ay iparating ang mga ito “privately” sa mga awtoridad.

 

Ang OCTA Research team ay kinabibilangan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines at University of Santo Tomas na mayroong regular projections sa coronavirus infections sa bansa at mayroong “1 or 2 epi- demiologists which is not the same number of experts” na nakikipag-ugnayan sa inter- agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya.

 

“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately to the IATF, nang hindi naman po napapangunahan, highlighting the fact that classifications are normally announced by no less than the President himself,” ayon kay Sec. Roque.

 

“If the IATF itself does not make public its recommendations to the President, sana the OCTA team— and this is really an appeal para hindi nagkakagulo (so that there will be no confusion)— can also course their recommendations to the IATF privately,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa kamakailan lamang na rekumendasyon ng OCTA group na ilagay ang bahagi ng Bauan, Batangas, Calbayog, Western Samar, at General Trias, Cavite sa ilalim ng stricter lockdowns.

 

Samantala, pinayagan naman ang mga provincial governors na magdesisyon sa lockdowns sa kani-kanilang bayan kasama ang kanilang regional IATFs. (Daris Jose)

Pamahalaang Panlalawigan, pumirma ng MOA kasama ang BSEC, tatanggapin ang bahagi ng lalawigan sa kanilang kabuuang kita sa kuryente

Posted on: October 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG tanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang naipong halaga na humigit-kumulang P100,000 mula sa Bulacan Solar Energy Corporation bilang bahagi ng lalawigan mula sa kanilang kabuuang electricity sales simula 2016 matapos na pumirma ang dalawa sa Memorandum of Agreement alinsunod sa Energy Regulations No. 1-94.

 

Ang E.R. No. 1-94 ay programa ng Department of Energy na naglalayong magbigay ng kabayaran para sa mga kontribusyon na ginawa ng mga komunidad na kinalalagyan ng mga energy resources at/o energy generating facilities.

 

Nakasaad ito sa Implementing Rules and Regulations ng Seksyon 5 (i) ng Republic Act No. 7638 o ang “DOE Act of 1992” na gagawin ng departamento a “to devise ways and means of giving direct benefits to the province, city, or municipality, especially the community and people affected, and equitable preferential benefit to the region that hosts the energy resource or energy generating facility.”

 

Dahil sa mga amyenda kamakailan sa regulasyon, ibibigay na ng direkta ang bahagi ng pamahalaang lokal sa LGU hindi katulad noon na iniipon muna sa DOE bago ibahagi sa kinalalagyang lalawigan, lungsod o bayan.

 

Samantala, ang BSEC ay isang 15MW solar farm na matatagpuan sa San Ildefonso, Bulacan na lumilikha ng 21,000,000 kW-hours ng renewable electricity sa national power grid taun-taon.

 

Kinatawan nina Fernando at Arlene Pacual, pinuno ng Provincial Planning and Development Office, ang Pamahalaang Panlalawigan habang kinatawan naman nina Atty. Jaime P. Del Rosario at Virgilio Lim ang BSEC sa MOA signing na ginanap sa Official Residence sa lungsod na ito noong Martes. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)