• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalagayan ng mga Pinoy sa Myanmar, tututukan ng DOLE

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino sa Myanmar na mag-ingat dahil sa idineklarang State of Emergency matapos ang nangyaring kudeta.

 

 

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Myanmar ngunit may mga Filipino Community doon at sila ang tumitingin sa kalagayan ng mga Pilipino.

 

 

Sila rin ang naging daan para makontak nila ang mga Pilipino sa naturang bansa kaya pinayuhan sila na mag-ingat at huwag lumabas sa kanilang tirahan habang inoobserbahan ang mga pangyayari.

 

 

Delikado aniya ang nangyayari ngayon sa Myanmar dahil mismong militar ang nagsagawa ng kudeta at walang nakakaalam kung ano ang mga susunod nilang gawin.

 

 

Sinabi ng kalihim na tututukan nila ang kalagayan ng mahigit 2,000 na Pinoy sa Myanmar na karamihan ay mga guro.

Other News
  • 2 wanted na Chinese National hulisa Cebu at Paranaque

    DALAWA pang puganteng Chinese national ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) matapos maaresto sa Cebu at Metro Manila.     Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawa na sina Zhu Yuanjiang, 25, at  Ma Mingjie, 51, na naaresto ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa magkahiwalay na insidente.     Si Zhu […]

  • 11 sabungero timbog sa tupada sa Navotas, Valenzuela

    UMABOT sa labing-isang indibidwal ang nadakma ng mga awtoridad isinagawang anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang District Special Operation Unit ng Nothern Police District (DSUO-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal […]

  • Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

    Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na […]