Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.
Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang anak na si Ryan ang 44-anyos, 5-6 at mula sa Kibawe, Bukidnon na Pambansang Kamao sa lalong madaling panahon.
“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other,” giit nang nakatatandang Garcia nito lang isang araw. “Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all.”
Dahil sa binawi na ang world super featherweight title ng World Boxing Association (WBA) ng Pinoy ring icon nitong Enero 27, napagkasunduan sa inisyal na usapan na itakda lang sa 10-round ang buntalan ng dalawang boksingero.
Pero kung kagatin man ng kampo ng boksingerong senador ang non-title fight, kinukunsidera rin na maging exhibition bout na lang sa kagustuhan na rin ng kanilang manok.
Huling lumaban si Pacquiao nang gapiin via split decision ang Amerikano ring si Keith Thurman noong Hulyo 2019 sa Las Vegas, Nevada. (REC)
-
Pinupuri ang pagganap bilang guro sa ‘Balota’… MARIAN, ‘di lang palaban sa takilya pati na rin sa pag-arte
MUKHANG panalo ang CineMalaya entry na “Balota” na pinagbibidahan ni Takilya Queen Marian Rivera. Base sa ipinalabas na trailer ng nabanggit na movie ay walang dudang may laban na naman si Marian, hindi lang sa box-office kundi pati na rin sa acting derby. Umani agad ng mga magagandang reviews ang movie na ito ng Kapuso […]
-
4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas
MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority ang pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip […]
-
FIFA pinuri ang Filipinas matapos na makasama sa unang pagkakataon sa World Cup
PINAPURIHAN ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup. Kabilang kasi ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup. Gaganapin ang FIFA […]